SWP 5

238 6 0
                                    

Sa ilalim ng buwan

Bumabalik sa akin ang ilang gunita
Mga ala-ala natin na tila ba ay kay saya
Na tila ba kapag kasama ang isa't-isa'y nakakalimutan ang problema
At ang bawat sandali ay pinupunan ng saya
Naalala ko ang isang pangyayari sa buhay natin
Tayo'y naglalakad sa ilalim ng liwanag ng mga bituin
Kahit hindi kita ang buwan at medyo makulimlim
Naglalakad na parang walang ibang tao sa mundo at ika'y nakaakbay sa akin
Mahal, ang mga alaala na ito ang kay sarap isipin
Dahil hindi ito nakakasawang gunitain
Sa ilalim ng mga bituin na ating nagsisilbing gabay
Inalis mo ang iyong pagkakaakbay ngunit hinawakan mo ang aking kamay
Bagay na matagal ko nang hinihintay...
Hindi mo alintana ang sasabihin ng iba
Basta magkasama tayo, iyon ang mahalaga
Ipinagmalaki mo pa nga ako sa kanila
Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya
Sa makulimlim na langit ay sumilip ang buwan
Kasabay ng pagsigaw mo ng iyong nararamdaman
At ang pagngiti kong hindi ko na napigilan
Sino ba naman ang hindi matutuwa niyan
Eh halos marinig na ng mundo na ako ang laman ng puso mo
At halos marinig na ng mundo ang pagsigaw ng puso ko...Ng pangalan mo
Hindi ko man masabi sayo iyo ng harapan
N

atahimik man ako kasi baka masyadong deretsyahan

Pero mahal..
Sayo lang ata tumibok ng ganito ang puso ko
Ang puso ko na inakala ko noon na bato
Dahil hindi ko pa nararanasan magmahal ng totoo
Ngayon lang talaga, ngayon lang at sa iyo
Mahal, wag mo akong bibitawan
Kasi baka hindi mo makayanan
Ayokong masaktan
Kasi iniisip ko pa lang, parang ang labo atang ika'y aking makalimutan
Hindi ko makakalimutan ang mapupungay na mga mata
Ang boses mong musika sa aking tenga
Ang nakakaasar mong tawa
Siguro lahat-lahat na
Pati na rin ang iyong mga kalokohan
Na pati simpleng kwento ay nabibigyan mo ng kasiyahan
Kung panaginip man ito'y hinihiling ko
Hinihiling ko na wag nang matapos basta't nandyan ka sa tabi ko
At sa paglingon ko sa iyo, ang una kong nakita ay ang ngiti mo
Nagpatuloy tayo sa paglakad hanggang sa tayo'y huminto
Sa tabi ng dalampasigan
At dito ko muling nasilayan ang liwanag ng buwan
Habang tayo'y nakaupo ay di maubos ang kwentuhan
Hindi maubos-ubos ang usapan
At bigla na lang akong napaisip...
Napaisip tuloy ako bigla...
Habang hawak mo ang kamay ko at ako'y nakasandal sayo, ako'y napatingala sa mga tala
Natanong ko sa isip ko, tayo nga ba ang nakatadhana?
Dahil kung hindi ay hindi ko ata kayang magpalaya
Kung ipinahiram ka lang sa akin
Hindi ko ata kayang ibigay sa oras na ikaw ay kunin
Kasi kung pahiram lang, sana wala nang bawian
Kung pinagtagpo lang lang tayo para magkakilala
Pasensiya na, hindi lang kita nakilala, minahal na din kita
Nandito ka na sa tabi ko, babawian ka pa ba?
Sana naman wag na
Nasa ganito akong isipin ng ako't iyong yakapin
Talagang kapag ikaw na, ang nagwawala kong puso ay kayang-kaya mong pakalmahin
Napapikit na lang ako habang nakasandal sayo
Napaisip ako sa bagay na ito, walang permanente sa mundo, oo
Walang sigurado, ang hirap maghanap ng totoo
Pero isa lang ang masasabi ko
Kapag nandito ako sa tabi mo, masaya ako
Ang swerte ko dahil nakahanap ako ng tulad mo
Ikaw na mahal ako
Kaya hayaan mong sabihin ko sayo ito
Ikaw ang mahal ko, at dyan ako sigurado
At kung bigyan man ako ng pagkakataon mabuhay ulit sa mundo
Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko

101 Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon