Paglimot
Paglimot...
Isang salita na madaling sabihin, mahirap gawin
Ang hirap gawin, ang hirap isipin..
Ang hirap isipin na kailangan ko nang bitawan ka
Hindi dahil naduduwag ako kundi dahil sa palagay ko dyan ka mas sasaya
Tapos na ang gyera..
Kailangan ko na sigurong bitawan ang aking sandata kasabay ng pagwagayway ng puting bandera..
Ayoko na...
Siguro tama na yung minsan man lang masabi ko sa sarili ko na ipinaglaban kita
Ayoko na...
Nakakapagod kasi lalo na kapag alam kong yung ipinaglalaban ko ay sumuko na
Nauna nang bumitaw at hinihintay na lang niya ang pagsuko ko
Ito na ba ang katapusan ng kwento?
Bakit kapag nagpapayo ako sa ibang tao, ang dali magsabi
Pero bakit ganun? Hirap na hirap akong gawin sa aking sarili
Alam mo, palagi kong sinasabi sa sarili ko dati, ayoko magmahal
Kasi kahit di ko pa nararanasan, pakiramdam ko kasi para itong pag-inom ng gamot na ipinagbabawal
Pero lahat ng sinabi ko, kinain ko
Nahulog ako sayo at sinalo mo naman ako
Iyon ang akala ko..
Hinayaan ko na magmahal ang puso ko
Ito na ata ang pinakamaling desisyon ko sa buhay
Dahil ngayon, unti-unti ako nitong pinapatay
Pinapatay ng katotohanan na..baka wala na ako dyan sa puso mo
Kung babalik ka pa, sabihin mo
Kasi handa akong maghintay sayo
Dahil kasabay ng paglisan mo ay ang pagkawasak ng puso ko
Dahil ang mga pangako mo noon ang siyang naging mga pakong bumaon sa aking puso
Kung ikukumpara ko ang buhay ko sa isang libro
Baka isa ka lang kabanata ngunit pinipilit kong maging parte ng buong kwento
Nakakasira ng ulo
Ganito pala ang pakiramdam na magmahal ng taong hindi ikaw ang gusto
Yung pinipilit mong magkaroon ng papel sa buhay niya
Pero wala ka naman pala talagang parte sa kanyang istorya
Isang kabanatang ayaw nang balikan
Pahinang nais kalimutan
Tauhan na hindi naman kailangan
At isang taong nagdulot lang ng maling pag-iibigan
Buti pa sa mga librong akin nang nabasa
Madaling hulaan kung sino ang mga bida
Kung sino ang para kay nino
At kung sino ang mananatili hanggang sa dulo
At mukhang sa kwento ko ay napadaan ka lang
Ako rin siguro ang may kasalanan
Akala ko ikaw na prince charming ng buhay ko
Ang bubuo sa aking kwento
Ang magkukulay sa black and white kong mundo
Pero mali pala ako..
Ako pala ang kontrabida sa kwento niyo
Sa kwento niyo nang taong mahal mo
Dito na lang ako sa sarili kong kwento
Sa sarili kong mundo
Ihihinto ko na ang pagpasok sa kwento ng buhay mo
Isasara ko na ang mga pahina ng iyong libro
Mas mainam na ang masaktan ako ng panandalian
Kaysa habang buhay kong pagdusahan
Ang pagguhit sa kwento ng ikaw at ako
Kung hindi naman tayo ang magkakatuluyan sa dulo
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PoesieIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts