Hoy ikaw! oo ikaw na nagbabasa ngayon.
Naaalala mo pa ba? Kung hindi, salamat nalang sa magandang alaala.Ako? Naalala ko pa, sariwang sariwa pa.
Noong isang taon naglalaro pa tayo ng tower of hanoi
Ikaw ang naglalagay ng panyo sa aking mga mataAt kapag ako'y mag uumpisa na, kinukuha mo ang isang disk at itatago para ako'y malito at kapag nalaman ko na ito, hahampasin kita sa iyong braso.
Natatandaan ko pa, sa tuwing pipiringan mo ako gamit ang iyong panyo, inaamoy ko ito at pinapaselos natin ang mga bakla
At kapag ako'y nilalamig dahil sa panahon,
Hinahawakan mo ang aking mga kamay sa loob ng classroom.Ako ay treasurer, sa tuwing mag aabot ka ng limang piso
Sinasamahan mo pa ito ng pang aasar na pang kuneho.Kuneho na palagi mong inaasar sa akin noon hanggang noong isang linggo, pero ngayon ang kuneho na palagi mong biro ay nauwi sa isang walang kibo.
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...