Sa pagmamahal para lang 'yang naglalakbay
Na kahit ano'ng layo ka man makapunta, may nag-aantayAt sa pagmamahal hindi lahat ay nakukuha
Akala mo sa'yo na, pero humanda ka, pagtalikod mo uunahan ka ng ibaMarahil sinabihan ka niya na naririyan siya para mag-abang
Pero wala kang kaalam-alam dumaan kana, iba pa pala ang kaniyang inaabanganLalabas kayo para kumain, pero ang mata niya sa iba nakatingin
Hindi ka naman maka-angal baka ikaw pa ay pagtabuyinHindi ko alam kung hanggang kailan kita matitiis
Kasi ayokong tumangis at baka ikaw pa ay mainisPero hanggang may natitira pang pagmamahal sa aking puso,
Pipilitin ko ito'ng magmahal sa iyo hanggang sa maubos at manuyo
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...