Ating Ama

27 2 1
                                    

Siya ang nag bigay buhay kung bakit tayo ngayon ay nabububay
Marami ang klaseng Ama kaya hindi natin sila basta-bastang malalagyan ng kulay

Merong mapipintas at strikto na Ama alalahanin natin sila ay mababait at mapag-aruga
Marahil nasisigawan o napapagalitan tayo paminsan-minsan isipin nalang natin dahil iyon sa kanilang pagmamahal

Maghanap man tayo ng isang dosenang lalaki ang ating Ama ay wala paring kapalit kahit kasing liit ng kanilang hinliliit

Kapwa kabataan, pasalamatan naman natin ang ating mga Papa, Daddy o Tatay sa ating buong buhay dahil nag sa-sakripisyo sila sa ating pamilya ng walang maka-kapantay

Huwag na nating hintayin na sila'y mamatay bago tayo magsalita ng "mahal kita itay" alam ko'ng hindi natin magawa dahil nahihiya kaya idaan nalang natin sa pag-aalaga

FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon