Kaibigan Lang

54 9 9
                                    

Nagsimula sa matamis na bati-an
Nagpatuloy sa nakakakilig na kuwentuhan
Nagtagal pa ang usapan hanggang ang ating loob ay nagkalapitan

Hindi man natin lubos kilala ang isa't-isa pero kapag nag biro-an parang kilala na talaga
Malabo man tayo'ng magkita dahil sa distansya, hayaan mo ipagdadasal ko na makita kita

Hindi namang masama na umasa
Pero sa kalagayan ko wala na talagang pag-asa
Dalawang taon ang agwat mo sa akin at sinabi mo narin na may natitipuhan ka ng iba

Pero kahit ganyan ang samahan nating dalawa
Kontento na ako sa kaunting oras at sa iyong naipaparamdam
Dahil katulad sa iba, hanggang kaibigan lang talaga.

FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon