Dedicated to smiley015
Oo, minahal kita.
Minahal kita bago ka pa nagtapat ng iyong nadarama
At minahal din kita bago pa siya dumating sa ating dalawaNagmahalan tayong dalawa at patunay ang mga masasaya nating larawan at kasama dito ang ating mga kaibigan
Pero habang tumatagal hindi na kita nararamdaman
Ito na ba ang sinasabi nila na ang pag-iibigan ay nauuwi sa kalungkutan?Hanggang sa dumating ang araw na nariyan siya
Palagi kong kasama at may oras siya
At ikaw? Ikaw na may kasama nang iba bago pa dumating siya.Pero ano? Ano itong naririnig ko na ginagawa mo siyang ahas sa kaibigan nating dalawa
Bakit sino ba ang unang nagkaroon ng iba?At ikaw ikaw narin ang nag sabi na itigil na
At pagkatapos babalik balik ka pa? Huwag mo nga akong gawing tanga!
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...