The boat is sinking, group yourselves into two; masayang palaro kasi hindi mahuhulaan kung sino sa inyo ang hindi mapapasama sa bagong numerong sasambitin
Sa sobrang kakatawa hindi ko namalayan na wala na akong ka partner nang sabihin ni maam ang katagang; group yourselves into two
Tinulak ako ng iba papalapit sa kaniya, pareho kaming walang ka pares at nangangailangan sa isa't-isa
Para akong na buhusan ng tubig dahil tinutukso kami ng mga kasamahan niya, okay lang sana kaso may girlfriend na siya
Natapos ang laro, ang sabi ng iilan pangiti-ngiti daw siya nung tinulak nila ako papunta sa kaniya
Ang sarap pala sa pakiramdam na kapag wala yung OA niyang kasintahan, pinapansin at kinakausap ka niya, at ang paraan ng pagsambit ng pangalan mo noong hindi pa naging sila nagagawa niya dahil walang pumipigil sa gagawin niya
Yung feeling na kapag wala ang kasintahan niya may closure kayong dalawa pero kapag nandiyan nga parang hindi kayo magkakilala
Sayang hindi mo nakita, kung nakita mo siguro paniguradong double dead na ako sa isip mo dahil sa inis na mararamdaman mo.
Hey ploze23! I dedicated this part for you because I read your comments from the other part of my poems and it seems my work hits you a lot and I hope this part will hit you again so that you can comment anything you want. By the way thanks for your comments in Sana Hindi Nalang at sa Ikaw, Ako at Siya even though you deleted it.
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...