Akala ko okay lang ako, na wala na
ako'ng pakialam sa iyo
Pero bakit noong mag landas ang ating tadhana muli nanaman ako nasaktan dahil ako'y niloko mo?Kinamusta mo naman ako ganun din ako sa iyo
Pero ang malaman ko na nakahanap kana ng iba pagkatapos ng ating hiwalayaan, ang sakit lang dahil may reserba kana pala.Ang mas masakit pa ay 'yong habang nag-uusap tayo hindi na ako nakahawak sa mga kamay mo dahil may nakalaan ng iba para dito
Kung noon, pinapahawak mo ito ng mahigpit para sa akin para sayo lang kumapit, pero ngayon na wala na tayo iba na ang humahawak at kumakapit dito
Ang sakit lang talaga na akala mo naka move on ka na
Pero mas masakit pala ang umasa na muli tayo'ng magkabalikan kagaya noon kahit malabo na.
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...