Pagkikita

31 2 0
                                    

May nagsabing pupunta ka
Minabuti kong huwag maniwala
Alam mo kung bakit?
Para ito'y hindi umasa sa wala

Pilit kong itanggi ang iyong mga tingin
Sa bawat subok ko kusa lang ito lumalalim
Ano ang aking gagawin kung hindi para sa akin ang iyong pagtingin?

Tinanong mo ako kung ikaw pa ba'y mahal ko
Eh sa nahihiya ako, sinagot kita na hindi iyon totoo
Alam mo bang pinagsisihan ko iyon ng todo?
Sinabi ko lang 'yon dahil ako'y natatakot na masaktan mo

Sa ating muling pagkikita, hindi ko masabi kung ano ang  totoo kong nadarama
Masaya, nahihiya at kahit papaano ay umaasa na sana ako parin ang gusto mo kahit malabo na

Simula pa 'nung elementarya nang tayo ay magkakilala
At kahit sa murang edad, nakaramdam ako ng kakaiba
Hindi ko ipagkakaila na ako'y umaasa pa
Pero huwag kang mag alala kung para sayo'y wala na, hindi ko na ipipilit pa.

FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon