Bakit Ngayon

25 2 2
                                    

Alam mo namang gusto kita, hindi mo ako pinapa-asa at ginagawang tanga
Maganda din ang ating samahan, lagi mo ako'ng sinasabihan na dapat mag simba dahil ito'y nakakapagpaganda

Kinikilig ako, malalapad na ngiti pilit ko'ng tinatago mula sayo
Hindi naman sa pabebe, sadyang nahihiya lang ako na ito'y makita mo

Sundo't hatid mo ako kahit saan, hanggang nasabi ko na ika'y akin ng kailangan
Tinanong mo ako ng harap-harapan kung pwede na ba tayong dalawa, at sinagot kita ng "saka na lang"

Kasama ang kaibigan ko, naglalakad patungo sa kanto
Nakita ka namin na naka akbay sa babae'ng naka shorts

Nang kayo'y tumingin sa aming direksiyon, mukha pala siya'ng engkanto at hindi ako nagbibiro tungkol dito dala narin siguro ng aking paninibugho

Sa iyo'ng ginawa puso ko'y napunit mula sa pagkakabuo mo nito, bakit ngayon pa ito nangyari kung saan handa na ako'ng sumagot ng oo saka ka naman nag bago

Mga lalaki nga naman paminsan minsan parang gago
Hindi makahintay sa tamang tiyempo
Kung kaya'y nakakasakit sila ng ibang tao.

NikkiMaeMedina thank you sa pag request ng title, sana nagustuhan mo.

Sa mga gusto mag pagawa, comment lang po or send me a message. 😊😉

FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon