TEORYANG MAHAL KITA
(Konseptong Pinaniniwalaan, Pero Hindi Pa Napatutunayan)
By: Eric D. Morguia Jr."Mahal kita..."
"Mahal na mahal na talaga kita..."
Ops, kaya nga teorya
Kasi maaaring 'di makatotohanan para sa ibaMarami ka ng alam, marami ka ng nasabi
Pero, uy, ang puso mo -- sinungaling at pipi
Binusog mo ako sa mga titik na makulay
Kaya naman ngayon, araw-araw akong namamatayPilosopo ka
Mang-mang ako
Nahulog sa bitag...
Sa gitna ng gubat ng huwad na pag-ibig mo'Yung mga mala-keding salita
'Yung mga oras na may meron at wala
'Yung mga hawak-kamay sa gitna
Lahat pala nu'n ay pawang palabas mo sa madlaPaniwalang-paniwala ako sa konsepto mo ng pag-ibig
Na tanging mga mata ko'y sa'yo lang nakatitig
Na ikaw lang ang bukam-bibig ng aking dibdib
Hanep, eh, pag-ibig!Kaya mong paliparin ang mundo
Kaya mong bigyan ng paliwanag ang planetang Pluto
Alam na alam mo kung saan nanggagaling ang mga bulalakaw na tumatama sa mundo
Kaya nga ang sakit, natamaan yata ako -- sa'yo!Huling araw na ito ng aking kamangmangan
Huli na ito
Pero sana, totoo, no?
Kahit kunwari na lang, oh
Sabihin mo namang totoo
Patunayan mo ang teorya mo
Na minsan, sa buong alamat ng sansinukob -- "minahal mo talaga ako"
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...