Mama Ko

531 106 79
                                    

Ma, alam mo bang mahal na mahal kita?
Hindi man halata sana nararamdaman mo na ito ang totoo ko'ng nararamdaman para sa iyo.

Oo, alam ko, pasaway ako at sana pag pasensiyahan mo ito
Alam mo naman ang panahon ngayon diba, kaming mga kabataan pa iba iba ang modo

Galit ka sa akin pero nalulungkot din ako kahit ako ang may kasalanan
Minsan sinasagot kita pero naiiyak ako at nakokonsensiya din naman

Pero ma, kahit ganito tayo mahal na mahal parin kita
Ikaw lang ang mama ko, nag alaga at nag mahal sa akin na walang kasamang biro at pagkukunwari


Sa ngayon, academic awards palang ang nakukuha ko
At 'pag mag college na ako, diploma na ang hahawakan niyo ni papa pag akyat sa entablado

Hayaan mo ma, sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ang pangarap nating dalawa ay maisakatuparan.

FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon