Chapter 2

1.3K 24 0
                                    

Mahigit dalawang linggo na mula ng mag hiwalay sila ni Brent, hindi pa rin nawawala ang sakit but she has to move on. Kailangan niyang mabuhay hindi para sa kanya kundi para na rin sa Mama niya. She feels life is meaningless kung wala si Brent. Kahit gusto niyang tawagan ito may pride pa din naman siya natitira para sa sarili niya.

Nakasakay siya ng jeep ng hindi niya mapigilan tumulo ang luha niya, buti nalang ilan lang silang sakay ng jeep at nasa dulo siya kaya walang nakakakita sa kanya na umiiyak siya. Pinahid niya ang luhang naglandas sa pisngi niya. Muntik pa siyang lumampas sa hospital na pinapasukan niya kung saan isa siyang customer representative ng isang health insurance. Hindi naman demanding ang trabaho niya minsan wala siyang ginagawa dahil kokonti ang pasyente.

Dahil parang lutang siyang pumasok dahil sa puyat at pag iyak ay hindi niya nakita ang taong pasalubong sa kanya. Nabangga siya sa malaking pader, nakapa niya ang pader.. matigas... ang pader at mabango.

"Are you okay?" sabi ng mabangong pader, nag sasalita ang pader?

Napatingala siya sa pader, hindi ito isang pader ito ay isang lalaking matangkad, singkit ang mata at mukang galit sa kanya.

"Sorry." sabay bitiw sa pagkakakapa sa dibdib ng lalaki at hinging paumanhin dito.

"Next time look at your way ng hindi ka nakakaabala ng tao." sabi nito.

"Sorry."

"Sorry, sorry, all people always say that word but they dont mean it." sabi nito at lumakad paalis ng harapan niya.

"Ano ba gusto mo sabihin ko bukod sa sorry, hindi ko naman pwede ipakulong ang sarili ko dahil nabangga kita. O kaya naman ay lumuhod ako at mag public appology. Masyado ka naman OA."

Muli siya nitong hinarap. Nakasuot ng polo na white ang lalaki at black pants. It looks like professional in his style. Tumaas ang kilay nito.

"Ako na ang nabangga mo ikaw pa ang may ganang magalit."

"Nagsorry na nga ako, galit ka pa din. Ano ba gusto mo mala-chichay.. o sya! Sorry po..." she mimic the character from a television show. "Happy?" at siya naman ang umalis sa harapan nito at nilampasan niya ito.

Dumeretso siya sa admitting section kung saan siya naka pwesto. Wala siyang client ngayon dahil ko-konti ang census ng hospital. Kaya binuksan niya ang computer at nakipag chat sa mga ka trabaho niya. Dahil representative siya ng health insurance mag kakahiwalay sila mag ka-katrabaho. Isang customer assistance lang per hospital na inaasign sa kanila. Kaya nag kakausap lang sila tru phone calls, text or chat. Pag may time ay nagkikita-kita din sila para makapag bonding.

"May meeting na naman ang mga stockholder sa taas kaya nagpahanda si Doc ng pagkain sa kitchen." sabi ni Liz isa sa admitting Clerk.

"Buti pa sila no? Sana biyayaan din tayo ng pagkain dito sa baba. Nagtitipid kasi ako ngayon." sabi naman ni Lyn isa din sa admitting Clerk. Tatlo lang sila nasa room at siya naman ay hindi nag sasalita dahil wala siya sa mood makipag usap. Alam ng mga ito ang pinag dadaanan niya kaya hindi siya kinukulit ng dalawa.

Maya-maya ay nag ring ang telepono at sinagot ito ni Lyn.

"Hello this is admitting section, Lyn speaking... Opo.. Sige po." at binaba nito ang telepono at tumingin sa kanya.

"Mam pinapaakyat ka sa taas. Sa conference room sabi po ni Doc Esgura." ito ang directo ng hospital.

"Bakit daw po mam?"

"Wala po sinabi mam basta paakyatin ko po kayo."

Tumayo siya  at nag ayos ng sarili bago pumunta sa itaas. Ayaw niya sana pumunta baka kasi kung ano itanong sa kanya na hindi naman dapat niya sagutin. Hindi nalang siya mag sasalita kung tanungin man siya.

Nang makarating sa forth floor ay nabungaran niya ang secretary ni Doc Esgura.

"Pasok na po kayo sa loob mam." sabi nito. Wala naman siya problema sa hospital na yon, lahat ng staff ay mababait.

Pumasok sa kanya at tumambad si Doc Esgura at ang lalaking antipatiko na nakaaway niya kanina.

"Good morning po." bati niya.

"Good morning, please sit down Mam, sorry kung naistorbo kita may gusto lang kasi itanong si Mr. Gravin about health insurance."

Umupo siya sa silyang katapat ni Mr. Gravin. Ngumisi ang lalaki sa kanya, halatang inaasar siya.

"Ano po yon sir?"

"Well you see my Grandfather is going to undergo surgery he's a retiree what should i prepare?"

Bwisit! Alam kong alam naman niya ang sagot talagang inaasar lang ako ng kumag, pwede naman niya ianong sa billing clerk ako pa talag ang pinatawag.

"You just need to show his health card ID and form that need to fill up thats all sir. Anything else sir?" Jusme, makahalata kang ayaw kitang kausap. Kainis!

"Okay, great." ngumiti ito to show his perfect white teeth na lalong ikinasingkit ng mata nito.

Tahiin ko kaya yang mata mo para hindi kana makamulat. Nginitian din niya ito. Hindi naman nito alam na pinag p-planuhan na niya katayin ito.

"Thanks Miss Nitika." and then he looks at her ID. Nakalagay kasi doon ang pin na may name niya.

"Welcome sir." akmang tatayo siya ng bigla ito nagsalita.

"Can i have your number so just in case i need to ask some question i can ak you?"

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon