Chapter 7

1K 14 0
                                    

Nasa Trix Bar siya kasama ang mga kaibigan, engagement party kasi ng isa niyang kaibigan na si Margaux sa childhood sweetheart at mortal enemy nito na si Clark. Naroon din si Sophie kasama ang boyfriend na si Jan na kaibigan ni Clark. Wala si Nica dahil pumunta ito ng Korea para ayusin ang nalalapit nitong kasal kay Nick isang korean pop star.

Buti nalang kasama niya si Kaycee at Kei dahil hindi siya alone sa pagiging single. Pinakilala din sa kanya ang ibang kaibigan ni Margaux na si May, Rian, Ryan at Erik. Nagkakasiyahan sila ng gabing 'yon. Naikwento na rin niya sa mga kaibigan ang about kay Eaen.

"So anong neng, new lovelife na ba?" tanong sa kanya ni Kei.

"Ano ba kayo, pass muna ako sa usaping 'yan. Ayoko muna sa lovelife."

"Ayy.. boring." sabi ni Kaycee. May boyfriend kasi ito si Kaycee, matagal na sila ng boyfriend hindi lang niya matiyak kung may balak na ba magpakasal ang dalawa.

"Mabait naman kasi si Eaen, kaso ayoko muna kasi mag boyfriend pahinga muna ako." kinuha niya ang ice tea sa mesa at inubos ang laman niyon.

"Neng, kahit anong pigil mo sa love pag dumating 'yan wala kana magagawa. Paihirapan mo lang sarili mo. Nakakabaliw 'yan promise."

Hindi niya kasi masasabing gusto niya si Eaen, mabait lang 'yong tao sa kanya at ayaw niya ipagkamali ang kabaitan sa pag ibig. Busy sila sa pag k-kwenthan ng tumayo si Clark sa kinauupuan at sinalubong ang bisita nito.

"Uy pare, buti nakarating ka." si Clark.

"Oo nga pare, naipit ako sa meeting buti umabot ako."

Napatigil siya, hindi siya maaaring magkamali kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya lumilingon dahil nasa may likuran niya ang dalawang nag uusap.

"Halika pare upo ka. Anong gusto mo kainin feel free to order." iginiya ito ni Clark sa mesa nila, at umupo ito sa bangko na nasa tapat niya. Umangat ang ulo niya para kumpirmahin ang hinala niya at hindi nga siya nagkamali.

"You're here." bungad ni Eaen sa kanya.

"You knew each other?" tanong ni Clark sa kanila.

"Yes." maikling sagot ni eaen dito.

Nakatingin sa kanila ang lahat at hindi niya maiwasan ang mapang usig na tingin ng mga kaibigan.

"Guys oo nga pala this is Eaen, tol eto ang beautiful kong girlfriend si Margaux." at pinakilala ni Clark ang iba pang kaibigan.

"So siya pala si Eaen, small world ha." nakangiting tukso sa kanya ni Kei.

"Heh! tumigil ka nga." saway niya dito.

"Wala naman ako sinasabing iba diba, sabi ko lang small world. Parang destiny, soulmate." halata naman tinutukso siya ng kaibigan.

Maya-maya ay nag alisan ang ibang nasa table ang iba ang mag c-cr ang iba naman kukuha ng pagkain, pumunta sa bar para sa inumin, nagpahangin at kung anu-ano pa. Sa huli ay sila ni Eaen ang natira sa mesa.

"Biruin mo 'yon pinag tatagpo tayo ng tadhana." basag nito sa katahimikan.

"Nagkataaon lang siguro na masyado tayong friendly dalawa at magkakakilala ang mga kaibigan natin." nakangiting tugon niya dito.

"Maybe were meant to be."

"Tse!"

Tumawa lang ito. "Destiny kasi tayo."

"Praning ka."

"Tingnan mo tayo lang dalaw dito nag uusap."

"Kasi mukang pinag t-tripan ako ng mga kaibigan ko at ipair up sayo."

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon