Chapter 18

852 15 0
                                    

Napilit siyang mamasyal ng mga kaibigan. Nanood sila ng movie sa MOA, after noon ay nagshopping sila ng mga damit.

Pinili niyang maging masaya, hindi naman habang panahon ay iiyak siya. Nasa isang stall siya ng may napansin siyang isang bulto ng lalaki. The built and the height kilala niya kung sino ito.

Sinundan niya ng tingin hanggang sa lumapit ito sa isang babae. The woman has beauty and grace. Agad na lumapit ito ng makita si Eaen. Eaen kiss the girl on the cheek. Mukang masaya ang dalawa, dahil parehong nag kukulitan at nag tatawanan.

Ito na siguro ang babaeng pakakasalan ni Eaen. He looks happy on her. Muka din galing sa mayamang pamilya ang babae kaya siguro gusto na din ito ng magulang ni Eaen. Biglang pumunta sa direksyon niya ang dalawa, hindi niya alam kung saan siya magtatago. Nakatayo lang siya ng dumaan ang mga ito, ni sulyap hindi siya tinapunan ni Eaen.

Grabe ang panlalambot ng katawan niya at pinilit na patatagin ang loob. Biglang lumapit ang mga kaibigan niya sa kanya.

"Hoy neng ano kaba kanina pa kami tawag ng tawag sa phone mo pero hindi mo sinasagot. Narito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap." sabi ni Sophie.

"Sorry.." yon lang ang nasabi niya.

"Hoy! Anong nangyari sayo? May problema ba?" sabi naman ni Kei.

"I saw Eaen with the woman he'll marry." and again tear fell from her eyes.

"What? Nasaan? Nakita kaba niya? May sinabi ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Nica.

"Parang hindi niya ako nakita."

"Ay ang kapal ng muka niya! 'Wag na siya makikipag kita samin!" sabi naman ni Kaycee.

"Nitika i think you need to know something." sabi ni Kei.

Nakatingin silang lahat dito.

"Grabe ha, parang papatayin nyo ako sa tingin nyo." sabi ni Kei.

"Kasi may alam ka na hindi namin alam." sagot naman ni Sophie.

"Magsalita kana anong nalalaman mo?" tanong ni Nica.

"Eaen doesn't remember you Nitika. He lost his memory on the day he got accident."

"What?" gulat nilang lahat.

"Yes, he forgot about you. All he remember is from the time before he met you. Ang present ang nakalimutan niya."

"Bakit mo alam ang lahat ng ito?" tanong niya sa kaibigan.

"Dahil nakita ko sya sa airport last week, kararating lang niya ng Pilipinas. I punch him on his stomach and curse him. Sorry friend hindi ko kasi napigilan ang sarili ko ng makita ko sya." paliwanag ng kaibigan. "Pasalamat siya kasama ko si Kyu kundi bugbog sakin un at buti naroon din ang mga bodyguard ni Kyu kaya hindi ako nagantihan." at tumawa ang baliw niyang kaibigan. Seryoso silang nakikinig dito pero pag nag kwento ito parang ayaw mo maniwala.

"Anyway ayun nga, sabi niya sakin bakit ko daw siya sinuntok, sino daw ako. Sabi ko ang kapal ng muka niya paiyakin ka tapos hindi ka man lang ipaglaban sa pamilya niya." tumigil ito at kinuha ang tubig sa bag. Lumakad sila papunta sa may upuan sa sea side.

"Tapos?"

"Ayan upo muna tayo pagod na ko." naupo ito at nagpatuloy sa pag sasalita. "Tapos sabi niya sino daw kaibigan, sinabi ko ang name mo. At nalaman ko na hindi ka niya kilala, kaya nagtaka ako ng hindi din niya ako kilala. He said he want to talk to me about you, pero nilayo na ako ni Kyu sa kanya at hinarangan na siya ng mga body guards ni Kyu, nag selos ata ang future boyfriend ko." nakangisi sabi nito.

"Kaya siguro hindi ka niya nakita."

"What if magkita kayo, malay mo maalala ka niya." suhestyon ni Sophie.

"Wow teledrama sa hapon, amnesia effect. Tapos with tagline na 'The mind can forget what the heart can't." sabi naman ni Kaycee.

"What if hindi na siya maalala?" si Sophie.

"'Wag kasi nega, gagawa tayo ng moves, Nitika ikaw kay Eaen ako bahala dun sa babae. Bale buto non pag pumalag sakin." sabi ni Kei.

"Mga sira. Kung totoo man na hindi na niya ako naaalala, hindi ba dapat hayaan nalang natin siya, siguro hindi talaga kami nararapat sa isa't-isa. Ang langit na mismo ang nag hihiwalay samin dalawa."

"Pag ba wala ka ginawang hakbang ngayon magiging masaya ka? Atleast kung walang epekto ang gagawin natin hindi mo pag sisisihan na darating ang araw na sasabihin mo sana may ginawa ako siguro may magbabago." sermon sa kanya ni Kei.

"C'mon Nitika 'wag mo isuko si Eaen."

Hindi niya alam pero nakumbinsi siya ng mga kaibigan na pigilan ang kasal ni Eaen.

Tsaka na siya hihingi ng sorry sa babaeng pakakasalan nito, sa ngayon gusto niyang bawiin si Eaen.

*****

Kanina pa siya tinatawagan ng Ate niya. Nag halfday tuloy siya sa opisina. Nagpapasama kasi ito sa mall at may bibilhin daw para sa mga pamangkin niya.

Wala kasi ang asawa nito kaya siya ang kinukulit. Nakita niya itong natingin ng damit sa isang stall ng lapitan niya ito.

"Hi sis." bati niya dito at hinalikan sa pisngi.

"You're late. Dahil dyan ikaw magbayad ng pinamili ko."

"Kaya mo ako gustong isama para may taga bayad at taga bitbit ka." nagtatawanan sila mgkapatid.

Si Cassiopeia ang nakatatanda niyang kapatid, isang mayaman business tycoon din ang asawa nito.

"Tara kain muna tayo." yaya sa kanya nito. Naglakad sila papunta sa nga kainan.

May nadaanan silang babae na nakatingin sa kanilan pero hindi niya pinansin. Nagpatuloy sila sa paglalakad ng makarating sa kainan.

Panay ang kwento ng ate niya about sa kakulitan ng mga pamangkin niya. Siya nalang ang walang asawa sa kanila magkakapatid.

"So ikaw brother dear, kailan mo balak mag asawa?" tanong ni Cassiopeia.

"Soon." matipid na sagot niya.

"Kailan ba yang soon na yan? bukas, next week? next month? baka next decade yan ha? Maunahan ka pa ng mga pamangkin mo."

"When i see her again, hindi ko na siya pakakawalan."

"That's good. Ang true love minsan lang yan makita kaya pag nakita mo na wag mo na pakakawalan pa."

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon