Chapter 13

804 16 0
                                    

Nagpunta si Nitika sa mansyon ng pamilya ni Eaen, nagbabakasakaling makita si Eaen. Ngunit sabi ng mga katulong ay nasa Amerika ang pamilya nito dahil na nga sa nangyari sa anak.

Tumunog ang cellphone nagtext sa kanya si Kaycee sinabi na nasa company nila Eaen ang father nito. Agad na nagpunta siya dito.

Nang makarating ay hinarang siya ng gwardya dahil kilala na siya ng mga ito at alam na hindi siya maaring makapasok dito. Nakiusap siya sa gwardya ngunit hindi siya pinakinggan dahil ito naman ang mawawalan ng trabaho pag pinagbigyan siya.

Wala siyang nagawa kundi ang umalis sa building na 'yon. Nasa gilid siya ng building at umiiyak. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kahit sa trabaho ay natutulala nalang siya dahil iniisip niya ang kalagayan nilang mag-ina at ang kalagayan ni Eaen.

Hindi niya napansin na may lumapit sa kanya at may nag abot ng panyo. Napalingon siya sa taong nagbigay ng panyo.

"Are you okay hija?" sabi ng matandang lalaki mukang nasa late 50's ito. Halatang mayaman dahil naka suite ito at may nasa likod na bodyguards.

Inabot niya ang panyo at pinunasan ang mga luhang walang sawa sa pagtulo.

"Salamat po. Okay lang po ako." nakangiting sabi niya dito.

"You look awful, may nangyari ba? Sorry kung masyado akong tsismosa, maybe it's a man instinct to comfort a girl who's crying." sabi naman nito. Muka naman mabait ito. Pero hindi na niya ito naintindihan pa. Dahil siguro sa pagod at stress ay nagdilim nalang ang paligid niya.

*****

Masakit ang ulo niya ng magising siya. Pag mulat ng mata niya isang hindi pamilyar na kwarto ang nakita niya. Nasa hospital siya, may swero sa kamay at nakita niya pumasok ang Mama niya sa pintuan galing sa labas. May dala itong pagkain at dali-dali siyang nilapitan nito.

"Thank God your awake. Kumusta na pakiramdam mo? Nagugutom kaba, nauuhaw? Wait i'll call the nurse." maluha-luhang sabi ng nanay niya at kinuha ang telepono sa bedside at marahil ay tinawagan ang nurse.

"Ma, pano ako napunta dito? Anong nangyari?" wala siyang maalala.

"Nawalan ka ng malay sa tapat ng building nila Eaen. Dinala ka dito at almost 2 days kana tulog." paliwanag ng ina.

Hindi siya makapaniwala na ilan araw siyang nakatulog.

"Ma, sino nagdala sakin dito. San ba akong hospital baka wala ma tayong pang bayad."

Ngumiti lang ang kanyang ina at hinaplos ang kanyang buhok. Biglang may pumasok sa pinto isang pamilyar na tao.

Ngumiti ito at nilapitan siya.

"How are you?" sabi ng matandang huling nakausap niya bago siya mawalan ng malay.

"Kayo po ba ang nag dala sakin dito? Maraming salamat po at pasensya na sa istorbo." sabi niya sa matanda.

"Walang anuman hija. Kumusta na ang pakiramdam mo? May gusto kaba kainin?"

"Wala po, maayos na po ako medyo masakit lang po ang ulo ko."

Nang dumating ang nurse at doctor ay tiningnan siya ng mga ito at sinabi na okay na siya. Stress at dehydration lang ang nangyari sa kanya. Ilan araw din kasi siyang puyat at walang ganang kumain.

"Magpagaling ka at wag mo ng pababayaan ang sarili mo." sabi ng Mama niya.

"Ma, saan tayo kukuha ng pangbayad sa hospital baka kulang pa ng sweldo ko sa pangbayad dito."

"You don't need to worry about the bill, i'll handle everything. Sa ngayon ang mahalaga ay makapag pahinga ka at magpalakas." sabi ng matandang tumulong sa kanya.

"Po? Nakakahiya naman po sobra-sobrang pang iistorbo na po ang nagawa ko."

"Kulang pa itong gagawin ko para mabayaran ang utang ko sa inyong mag ina."

Naguluhan siya sa sinabi nito. Nakita niyang nakahawak ito sa balikat ng Mama niya.

"Anak, siya si Alonzo Ortega ang may ari ng isang kilalang multinational clothing company. Siya ang ama mo."

Nagulat siya sa rebelasyon ng Mama niya. Buhay ang tatay niya?

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon