Special Part

1.2K 19 5
                                    

"Pano ba yan lahat na may mga partner isa nalang ang wala." sabi Nica.

Ofcourse ang matagal ng lovers na si Sophie at Jan since highschool Jan love Sophie but Sophie love her books. Funny dahil ng magkita sila after so many years sila pa din ang magkakatuluyan.

Si Kaycee ang medyo playgirl at kikay sa grupo meet the playboy but conservative Lee. Ang dalawang ito na nung una ay laro lang ang relasyon ay nauwi sa totohanan.

Si Nica ang fangirl na baliw kay Nick. They fell in love with each other, kahit gaano kasikat si Nick si Nica lang ang babaeng nakakakita ng totoong Nick.

Ang aso't pusang sina Margaux at Clark. Akala nila end of the world na ng maging sila dahil walang araw na pinapalampas ang dalawa sa bangayan. But look at them parang dinaig ang asukal sa tamis.

At syempre ang new lovers na sila Eaen at Nitika, nagsimula sa wrong sent na nauwi sa wrong turn... love pala.

"So deretsuhin nyo na kasi na ako lang ang single!" nakakunot noong sabi ni Kei.

"Opps.. wala kami sinasabi." si Sophie.

"Neng ikaw lang ang single dito. Bawal ka dito maiinggit ka." sabi naman ni Nitika.

"Heh! Kung hindi dahil sakin single pa din kayo." inirapan ni Kei ang mga ito.

"Kung ako sayo mag boyfriend kana din. Ipapakilala kita kay GS." sabi ni Nick.

Biglang kumislap ang mga mata ni Kei. "Nick bakit ang pogi mo ngayon? Kailan mo ipapadate sakin si GS?"

"Nick wag mo nga bigyan ng ideya itong babaeng to." sabi ni Kyu. "At ikaw wag ka makipagdate sa iba, akalain pa atat ka magka boyfriend." sabi ni Kyu kay Kei.

"Eh atat naman talaga ako. Lagi mo naman ako sinusungitan kaya kay GS nalang ako. Nick-" akmang lalapit si Kei kay Nick ng hilahin ni Kyu si Kei.

"Bakit ba ano ba prob-" hindi natapos ang sasabihin ni Kei dahil bigla siya hinalikan ni Kyu.

"'Wag kana makulit ha!" galit na sabi nito at nag walkout.

Natulala naman si Kei.

"Neng are you okay?" tapik sa kanya ni Margaux.

"Nahipnotismo ni Kyu." sabi naman ni Jan.

"Kailangan na ata ng albularyo." sabi naman ni Lee.

"Hindi i need Kyu! Walangyang yon walkout king matapos ako halikan lalayasan ako. Teka nga panagutan niya ako." at umalis ito at sinundan si Kyu.

Nagtatawanan sila. Hindi lahat ng love story pare-pareho. Pero lahat umaasa ng happy ending. Sa sitwasyon nila hindi man perfect relationship, basta may respeto at tiwala lahat kayang magtagal at makaranas ng masayang love story.

THE END.

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon