Chapter 10

816 12 0
                                    

Naglalakad siya pauwi ng bahay niya. Galing siya sa grocery store malapit sa kanila dahil wala na syang stock ng pagkain.

Mag isa lang sya sa kalsada ng biglang may tumigil sa gilid niya ng isang pamilyar na kotse. Bumukas ang pinto at lumabas ang taong gusto niyang kalimutan.

"Come with me!" Eaen grab her hand.

Nagpumiglas siya dito ngunit sadyang mas malakas ito sa kanya.

"Ano ba bitiwan mo nga ako."

"Let's talk." Hinila siya nito at ipinasok sa loob ng kotse.

Pumasok na rin ito at nagsimulang mag drive.

"San mo ba ako dadalhin?" tanong niya dito pero hindi ito nag sasalita at patuloy pa din sa pag d-drive.

"Ano ba hindi mo ba ako sasagutin. Ibaba mo na ako, ayokong sumama sayo."

"Mag uusap lang tayo."

"Ano paba pag uusapan natin, wala naman dapat pa pag usapan."

"Mamaya na tayo mag usap pag dating natin doon."

sabi nito at tahimik ulit ito nag d-drive.

Napansin niyang papunta sila ng tagaytay. Sinulyapan niya ito, pansin niya ang pinagbago ng panga-ngatawan nito. Ibinaling nalang niya ang tingin sa labas ng bintana.

Hindi pa din maalis sa kanya ang pagkasabik dito. Na miss niya ito at gustong gustong makita. Pero alam niyang masasaktan lang siya pag pinag patuloy ang pakikipaglapit dito.

Tumigil ang sasakyan nito sa isang cosy restaurant. Tahimik ang lugar at mangilan ngilan lang ang tao. Doon sila dumeretso ni Eaen sa gilid ng resto kung saan kitang kita ang magandang tanawin ng taal lake.

Umorder si Eaen ng pagkain nila, hinayaan nalang niya ito ang umorder ng pagkain niya. Nang makaalis ang waitress ay nagsalita na ito.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" galit na sabi nito sa kanya.

Nagulat siya sa reaksyon nito. Hindi kasi niya ito nakikita magalit ngayon lang.

"Para saan pa? Ayoko na makita ka o makausap man lang."

"Pero bakit?"

"Dahil ayoko, dahil yun ang tama."

naiiyak na siya pero pinipigilan niya dahil ayaw niya ipakiyang sobrang apektado siya.

"Nitika alam ko kasalanan ko ang lahat, naduwag ako hinayaan ko masaktan ka at galit ako sa sarili ko dahil don. Alam kong mali ang pakikipaglapit ko sayo dahil simula noon pa lang alam ko na ang pamilya ko ang masusunod pagdating sa babaeng mapapangasawa ko. But i met you at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalapit sayo. Each day that we're together was the best day for me." hinawakan nito ang mga kamay niya.

"Nitika i am inlove with you, you're the one i want to spend my life with."

"Ano ba yang pinag sasabi mo! Ikakasal kana!"

"Hindi ko itutuloy ang kasal, i will talk to Chin she will understand."

"Pano ang family mo?"

"If they love me they will let me be happy. And your my happiness. I love you Nitika."

Hindi niya napigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

"Teka bakit ka naiyak?" pinahid nito ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.

"Kasi ikaw pinapaiyak mo ako."

"I hate to see you cry, i wont make you cry again. Just let me love you and i will make you fall in love with me everyday." he hug her with so much love.

"I love you too..."

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon