Chapter 3

1.1K 19 0
                                    

Maiinit ang panahon dahil summer na. Nagkataon sa Cavite pa siya napa-assign kung saan malapit sa dagat. Naisipan niyang yayain si Kei ang kaibigan niya na malapit din ang hospital kung saan ito naka assign.

Ilang buwan na din ang lumipas, hindi na siya lugmok sa pagdadalamhati ng kanyang pusong sawi. Naka move on na siya at ngayon ay masaya na kahit single. Naalala kasi niya ang sabi ng mga kaibigan niya na pag pinagpatuloy niya ang pag iyak ay itutulak siya mula sa taas ng ferris wheel sa MOA.

Nagcompose siya ng message para sa kaibigan, yayayain niya itong magshopping sila sa Baclaran tutal payday na nila. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi nagrereply ito. Mag aalas singko na at wala pa din reply si Kei kaya naisipan nalang niya umuwi sa bahay niya.

Dahil friday kaya sobrang traffic sa kalye. Alas otso na siya dumating ng bahay, bumili nalang siya ng pagkain sa labas dahil wala na siyang time magluto. Bukas nalang niya napag pasyahan maglaba ng damit dahil pagod na pagod na siya.

Matapos kumain ay nag ayos na siya ng sarili at nag hahanda sa pagtulog ng tumunog ang cellphone niya. Laking gulat niya sa nakitang pangalan na nagtext sa kanya.

Sorry for d l8 rply, wla kc cgnl s ofis kya now ko lng nbsa ang txt mo. -Eaen

"Oh my gosh! sa kanya ko na send ang text ko kay Kei!" sa sobrang pagkainis ay nabatukan niya ang sarili. "Ang galing mo talaga Nitika, Ang layo ng letter E sa letter K bakit nag wrong send ka pa." nagtype siya ng message para dito.

Sorry, wrong sent para yun sa friend ko. -Nitika

Matapos isend ang message ay nakatitig lang siya sa cellphone. Bigla tumunog ulit ito, na excite siya basahin ang message.

K -Eaen

"K? Yon lang yon? grabe 'tong lalaking to for sure naman naka plan siya para hindi manghinayang sa load tapos K lang ang sagot." nanggigigil siya na ipatong ang cellphone sa lamesa sa may gilid ng ulunan niya.

Teka bakit siya naiinis kung yon lang ang reply sa kniya. What should she expect?

Nagsimula kasi itong magtext noon ng tanungin about sa work niya. After non ay wala na silang communication at nailipat na din siya ng hospital. Yon ata ang huling pagkikita nila ni Eaen Gravil pronounced as E-yen. Sabi ni Doc Esgura ang chief of hospital na naka assign siya dati ay isa ito sa mga stockholder ng hospital. Isa itong business man malamang isa itong chinese investor dahil muka itong chinese. Pero very american ang name nito.

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon