Chapter 12

805 17 0
                                    

"Ma, magpahinga kana sa kwarto ko napagod ka sa byahe." hinatid ni Nitika ang nanay niya sa kwarto.

Pinaluwas agad ni Nitika ang ina ng malaman na nailit na ang bahay at lupa nila sa bicol. Mas maganda na din na kasama niya ang ina. Sila nalang ng Mama niya ang magkapamilya kaya wala ng iba mapupuntahan ito kung sakaling sa probinsya pa din ito tumigil.

May nakabili daw ng lupa nila sa banko kaya agad na pinaalis ang Mama niya. Hindi na rin niya alam kung pano pa mababayaran ang naisanlang lupain.

Hindi niya nakakausap si Eaen kaya nag aalala din siya. Wala siyang ibang mapagtanungan dahil hinaharang ng pamilya nito ang tawag niya.

Ayaw niya mag isip ng masama tungkol kay Eaen, dahil alam niyang mahal siya nito at handa siyang ipaglaban.

Dumating ang mga kaibigan niya at kinumusta siya. Nang magpaalam ang Mama niya na magpapahinga na tsaka lang niya naikwento ang nasasaloob.

"Neng ang hirap pala, parang gusto ko ng sumuko. Ang pinaghirapan ng pamilya kong lupa wala na, tapos heto hindi sapat ang sweldo natin. Si Eaen hindi ko pa makausap kung ano ba ang nangyari." pag susumbong niya sa kaibigan.

"Neng kaya mo yan, andito lang kami 'wag ka susuko." tinapik siya ni Nica sa balikat. Wala si Kaycee at Kei dahil may pinuntahan ang mga kaibigan niya. Kaya si Nica at Sophie lang ang kasama niya.

Nagring ang cellphone niya, si Kaycee ang caller.

"Hello TF!" si Kaycee 'TF' standands for True Friend. Dami kasing arte ng kaibigan niya.

"Hello TF, bakit?"

"TF si Eaen..." ng marinig ang pangalan ni Eaen ay bumilis ang tibok ng puso niya.

"Bakit may balita ka kay Eaen?"

"Si Eaen TF, naaksidente sa New York. Nabalitaan ko kay Lee, malubha daw si Eaen."

Halos mabingi siya sa tibok ng puso niya. Hindi na niya naintindihan ang sinasabi ng kaibigan. Ang tanging alam niya ay nabitawan na niya ang cellphone at napahagulgol nalang siya.

Bakit ang daming nangyayari sa kanya. Lahat nalang ng pagdurusa nararanasan niya. She was so helpless, hindi na niya alam ang gagawin.

Gusto niyang makita si Eaen pero pano, wala syang pera papunta ng New York. At kung makapunta man siya for sure hindi ipapakita ng pamilya nito si Eaen.

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon