Chapter 14

813 10 0
                                    

"Gosh girl ano bang revalation ang nagyayari sa buhay mo? Are we on the national television?" si Sophie. Nasa ospital ang mga ito at dinalaw siya.

"Oo nga, parang ang bilis ng pacing ng buhay ko. Nabigo sa love life, nagkalovelife, inapi ng mga matatapobreng tao, ngayon naman anak ng bilyonaryo. Baka bukas model na ko."

"Sige push natin yan!" biro naman ni Kaycee.

"So kumusta ka naman ngayon?" si Kei.

"Okay na naman ako makakauwi na daw ako bukas."

"San na kayo titira ng Mama mo? Sa condo? Sa Mansyon?"

"Sa bahay daw ni papa sa Corinthians sa QC." Sabi ng Mama niya na nagkakilala ito at ang Papa niya sa Singapore kung saan nagtrabaho ang Mama niya. They fell inlove but her father's parent dont approved their parents relationship. Nang umalis ang Papa niya para asikasuhin ang kumpanya sa ibang bansa kinausap ng magulang ng papa niya ang mama niya na layuan ang anak nito. Same old story repeats on her story. Nang umalis ang mama niya at bumalik sa pilipinas nalaman nito na buntis na ito sa kanya. Pero pinalaki siya ng maayos ng ina sa tulong ng lolo at lola niya ang magulang ng Mama niya. Pero ng mawala ang Lolo at Lola niya ay nahirapan ang Mama niya sa negosyo ng pamilya niya. Hanggang sa naisanla na ang lupain dahil na din sa nabaon sila sa utang ng magkasakit ang lolo niya.

Hindi na nagkaron ng communication ang parents niya. Ipinamukha kasi ng magulang ng Papa niya na pera lang ang habol ng Mama niya dito. Ngunit hindi na muling umibig ang Papa niya binuhos lahat sa trabaho at sa negosyo ang atensyon nito.

Kaya ng makita siya ng Papa niya na naiyak ay agad na nilapitan siya dahil may hawig daw siya sa Mama niya. Dahil sa kamuka ng babaeng minahal ay kinausap at nilapitan siya nito.

Lalo na at nalaman nito na siya ang anak na hindi niya alam. Nagkausap ang mga magulang niya at nagkapatawaran. Kasal ang mga ito noon pa man sa singapore. Kaya hindi na tinangka pa ng Papa niya magpakasal muli dahil kahit nagalit ito sa Mama niya dahil sa ginawang kasinungalingan ng magulang nito ay nananatiling ito pa din ang nag iisang babaeng minahal nito.

Kung sana kagaya din niya makatagpo din siya ng lalaking mamahalin siya habang buhay.

*****

Nang makarating sila sa bahay ng Papa niya ay namangha siya sa laki at gara ng bahay. Mediterranean style at nalula siya sa laki ng bahay.

"Come here sweetheart this is your new house  Lahat ng ito ay sa iyo rin. Promise ko na babawiin ko ang buong panahon na nagkulang ako."

"Thanks Pa, hindi ko naman kailangan ng marangyang buhay yung makilala kita at maging buo ang pamilya natin super blessed na po ako." niyakap niya ang Amang matagal niyang gustong makilala.

"Aba nag seselos na ko sa sweetness nyo, hindi na ko napapansin ng baby ko." sabi naman ng Mama niya na nasa likuran nila.

"Naiinggit pa ang mahal kong asawa, halika na at sumali ka sa group hug namin ng anak mo."

Okay na sila ng Mama niya, may maayos na silang buhay. Ang problema nalang niya kay Eaen ang inaalala niya. Ilang linggo na simula ng malaman niyang naaksidente ito at wala na siyang balita dito.

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon