Chapter 5

1.1K 18 0
                                    

Malapit ng mag alas singko nag-aayos na siya ng gamit ng may lumapit sa kanyang kliyente. Hindi pa kasi naka dependent sa miyembro ng insurance ang anak nitong pasyente. Kaya tinutulungan niya ito sa mga kakailanganin requirements. Pero nagkaproblema ang birth certificate ng bata dahil may tampering sa pangalan nito kaya tinatanong niya kung may iba pang documents ang mga ito.

"Sir baka po may iba pa po siyang documents gaya ng baptismal o kaya po yung birth certificate niya na galing NSO. Kasi po hindi ko po matanggap kung kung may tampered po ang documents natin." paliwanag niya sa kliyente.

"Yes sir, pero kailangan po talaga namin ng maayos na documents dahil po 'yon ang nasa policy namin."

"Teka alam mo ba may kakilala ako sa head office nyo. I can tell him the problem and for sure he will accept my documents."

"Okay po Sir, pero ang masasabi ko lang po, I can't accept your documents dahil po nasunod lang ako sa policy namin." Maya-maya pa ay umalis na ito, napakamot naman siya sa noo niya. 

May mga tao talaga siya nakakausap na mahirap kausapin lalo na kung may sarili itong pananaw at kagustuhan.

Laging sinasabi na may kakilala ito sa taas, tatakutin siya na maalis sa trabaho, isusumbong sa media na pinapahirapan sila sa mga documents na kakailanganin. Bakit hindi muna kumilos bago magreklamo. Minsan kasi inuunahan ito ng katamaran at inaasa sa iba ang pag-aasikaso at ang sisi kung bakit hindi agad maasikaso ng mga ito ang kakailanganin.

Maya-maya ay bumalik bumalik ito na may kausap sa telepono. Aalis na sana siya dahil alas-singko na at gusto na niya umuwi at magpahinga dahil pagod at gutom na siya.

"Miss kakausapin ka daw ng boss mo." sabi nito na binigay sa kanya ang cellphone nito.

"Hello" sagot niya sa kausap ng kliyente sa telepono. Nagpakilala ang kausap na taga head office nila sa Manila na papayagan na ang naturang documents ngunit sabi niya na hindi niya maaprubahan dahil hindi naman siya ang tatanggap ng naturang claims sa clerk ng hospital nalang ito makipag-usap.

Kinausap ng kliyente at kausap nito sa telepono ang clerk ng hospital at hinayaan na lang ang mga itong mag-usap. Dahil ang trabaho lang naman niya ay i-asist ang myembro para malaman ang benefits ng mga ito, maayos ang mga documents na kakailanganin para sa pag-avail ng insurance. Ngunit ang ganung bagay na alam niyang hindi na niya trabaho ang pagtanggap ng claims dahil ang hospital clerk na mag papasya kung tatanggapin ang naturang documents at sino ang kakausapin kung bigla man ito bumalik sa hospital.

"Kita mo tatanggapin din." sabi ng lalaking kliyente pagkatapos makausap ng clerk.

"Edi good news po sa inyo." sagot na lang niya.

"Ang dami mo pa kasing arte, akala mo kung sino ka." maya-maya ay sabi nito.

Nagpanting ata ang tenga niya sa sinabi nito. Mahaba ang pasensya niya, pero ang ganong mga salita ay hindi nakaka-iwas sa kanyang pandinig.

"Alam nyo po Sir, ako po ay isang tao na nasunod sa polisiya ng kumpanyang pinag t-trabahuhan ko. Hindi langad sa aking kaisipan ang mga bagay na nadadaan sa palakasan lalo na kung nasa isang ahensya ng pamahalaan. Ako malinis ang hangarin ko kayo po ba malinis ba ang kunsensya nyo?" Hindi na niya napigilan ang sinabi sa kliyente. "At oo nga po alam kong isang maliit na tao lang ako kumpara sa kakilala nyo, pero atleast hindi ko po kailangan gumamit ng tao para lang po maayos ang mga bagay na dapat ako ang umaayos. Binibigay namin ang kaukulang benepisyo para sa myembro pero hindi naman po kami lang ang dapt kumilos, tungkulin nyo din na isang myembro ang kumilos at mag asikaso, kaya nga po tinawag na partnership. Sige po congrats at makakalabas na kayo ng hospital." iyon lang at inayos na ang gamit upang umalis.

"Ang yabang mo, baka gusto mo mawalan ng trabaho?" pagbabanta ng lalaki.

"Hindi po ako natatakot dahil nasa tama po ako."

"Irereport kita sa head nyo at sa hospital admin."

"Bakit mo siya ire-report gayong ginawa niya ang trabaho niya?" si Eaen na biglang nagsalita sa gilid niya. Nagulat siya kanina pa ba ito naroon.

"Hi! Ready ka na umuwi?" humarap ito at tinanong siya. "Ikaw Sir, nagawa na niya ang part niya atleast try to thank her and apologize dahil sa mga sinabi mo sa kanya. Alam mong ginawa lang niya ang trabaho niya at aakusahan mo siya ng kung ano-ano?" sabi ni Eaen sa lalaki.

"Sino ka ba at bakit ka nakikialam?"

"Sabihin na natin isa lang akong taong nasunod sa mga batas. Anyway kung isusumbong mo siya sa tingin mo sino ang m,as mapapahiya sa inyong dalawa?"

Hindi na nagsalita ang lalaki at umalis nalang sa harapan nila ni Eaen. Lumuwag naman ang paghinga niya. Hinarap niya si Eaen at ngumiti.

"Ano tera na mukang pagod ka na. Siguro gutom ka na din. C'mon let's eat." yaya nito sa kanya.

"Anong hangin ang nagdala sa iyo dito at napadpad ka?"

"Bigla ko lang naramdaman na kailangan mo ng tulong ko. Kaya here I am to rescue you."

"Wow feeling superman ha. Tera na nga, na toxic ako dun sa kliyente na 'yon." yaya na din niya dito.

"Muka nga, kala ko aapela pa siya baka ipaterminate ko siya sa pinagt-trabahuhan niya at ipa-blacklist sa mga company."

"Bakit kilala mo 'yun?"

"No, but I have my ways."

"Wow ikaw na ang malakas." kumapit siya sa braso nito. "Pahawak ha, baka matangay ako ng hangin."

Tumawa lang ito. "Kunwari ka pa nananantsing ka lang sa akin." Bigla naman niya binitiwan ito nahiya kasi siya sa ginawa. "Heto naman hindi na mabiro, tera na nga." Hinawakan siya nito sa kamay at sabay na uma;lis ng ospital.

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon