Chapter 16

773 14 0
                                    

Nasa library ang Papa niya at busy sa pagbabasa ng mga dokumento ng pumasok siya. Agad na tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa kanya.

"Yes sweetheart may kailangan kaba?" nakangiting tanong ng Papa niya.

Naupo siya upuan na nasa harapam ng lamesa nito. Alanganin ngumiti siya dito.

"Kase Pa - ano po -" hindi niya maituloy ang sasabihin. Kahit na ama niya ito nahihiya pa rin siya minsan kausapin ito.

"Ano yon? Tell me, do you need anything? You want to go shopping or you want to go out of the country? I already give you your atms and credit cards. Mukang nahihiya ka pa din gamitin ang mga 'yon. Hindi ka lumalabas ng bahay, ang mga kaibigan mo nalang ang pumunta sayo." tumayo ito at naupo sa kaharap niyang upuan. Kinuha nito ang mga kamay niya at kinulong sa mga kamay nito.

"You're my only daughter, ang mga bagay na hindi ko naibigay sayo noon ay hindi ko ipagdadamot sa iyo ngayon. I want to give you everything."

"Pa, alam mo naman po na sapat na ang makilala kita."

"I know, and im glad that your mother raised you well. Kahit wala ako sa tabi nyo naging mabuti kang tao." ngumiti ito sa kanya at tiningnan ng buong pagmamahal.

"So anong problema ng maganda kong anak?"

"Kasi Pa, it's about - Eaen."

"Hmm.. Eaen? Eaen Gravin the CEO of Gravin Corporation. So what about him?" nakakunot noong tanong ng ama.

Hindi kasi alam ng father niya kung bakit siya nasa building ng mga Gravin at umiiyak, hindi kasi siya handang mag kwento noon. Pero dahil gusto niyang gumawa ng hakbang para makita si Eaen ay ikinuwento niya sa ama ang tungkol sa kanila ni Eaen.

Tahimik lang ang Papa niya at nakikinig sa kwento niya hindi niya maiwasang umiyak habang kinukwento ang mga nangyari.

"Do you really love that man?" seryosong tanong ng ama.

"Yes Pa." pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi.

"Don't worry sweetheart, gagawa ako ng paraan."

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon