Chapter 17

801 12 0
                                    

Ngayon ang meeting ng Papa niya at ng mga Gravin. Kaya pala nasa building na 'yon ang Papa niya dahil gusto ng mga Gravin na magtayo ng clothing line sa pilipinas at gustong gawin business partner ang Papa niya. Hindi kaila na mas senior ang Papa niya when it comes to business.

Kaya gustong gusto ng mga Gravin na maging business partner ang Papa niya. Nasa secret room siya ng ofis ng father niya at hinihintay ang pag dating ng mga Gravin.

Tumunog ang intercom at sinabi ng secretary ng Papa niya na andito na ang mga Gravin.

Kinakabahan siya sa magiging usapan ng Papa niya dito. Hindi niya alam kung anong nasa isip ng Papa niya. He just said that he will help her to talk to Eaen. 'Yun lang naman ang gusto niya ang makausap ito at kumustahin. Dahil na din sa gusto niyang malaman kung meron pa bang SILA.

Nakita niya sa cctv ang pagpasok ng mag asawang Gravin. Nakipagkamay ang Papa niya sa mga ito. Magiliw makipag usap ng ginang sa Papa niya. Ganon din si Mr. Gravin hindi kailanman nakita niya itong ngumiti o nakipag usap. Lagi kasi si Mrs. Gravin ang kausap niya.

Laking gulat niya ng pumasok si Eaen sa pinto. Napatayo siya sa pag kakaupo, gusto niyang takbuhin si Eaen at yakapin. She miss him so much. Ang laki ng pinagbago nito. It's been a month ng huli niya itong makita. Nakipag kamay ito sa papa niya at itinuro ang upuan.

Nagsimula na ang mga ito mag usap tungkol sa business. Wala siyang naiintindihan sa pinag uusapan ng mga ito. Ang tanging focus niya ay kay Eaen. Nakatingin siya sa muka nito. Parang ibang Eaen ang nakikita niya. Wala ang Eaen na maaliwalas ang muka at laging nakangiti. Ang Eaen na nakikita niya ngayon ay seryoso at parang may mabigat na pinag daraanan.

Gusto niyang maiyak, naka recover na ito pero hindi siya nito pinuntahan o hinanap man lang. Wala kasing nakakaalam kung nasaan siya bukod sa mga kaibigan.

Nagresign na siya sa trabaho at hindi rin siya nalabas ng bahay. Kahit anong pilit ng mga kaibigan niya at ng Mama niya ay hindi pa rin siya lumalabas.

Sumuko na ba si Eaen sa relasyon nila. Isinuko nalang ba siya at pinagpalit sa mana? Dahil hindi siya mayaman? Hindi na sila nararapat? Umiiyak na naman siya. Sana dumating ang araw na hindi na siya iiyak dito.

"So Mr. Ortega when are you signing the contract?" Tanong ni Mr. Gravin ang Papa ni Eaen.

Tahimik lang si Eaen at hinahayaan ang ama ang magpaliwanag.

"Before i'll sign it i have a condition." sabi ng Papa niya.

"What condition?"

"Ang pamilya ko ay kilala sa buong mundo at alam kong mas magiging maganda ang business nyo pag naging mag partner tayo. Gusto ko ang proposal mo but if you want to be the most influential in business world i think it would be better if we became a family." sabi ng Papa niya.

Nakakunot ang noo ng mga Gravin hindi siguro maintindihan ang sinasabi ng Papa niya. Kahit siya ay naguguluhan sa sinasabi nito.

"What do you mean Mr. Ortega?" tanong ni Mrs. Gravin.

"I want your son Eaen to marry my daughter."

Nagulat siya sa sinabi ng Papa niya. Ang tanging gusto niya ay makausap ito, hindi pikutin.

"What? Mr. Ortega you have a daughter? I tought - im sorry maybe im just shock." sabi ni Mr. Gravin.

"Well what dou you think?" sabi ng Papa niya.

Tumayo si Eaen at hinarap ang Papa niya.

"I'm sorry sir but im about to get married. I don't want another fix marriage because of business. Im sure i can still be a great businessman without marrying someone i dont even know. Now that i found the woman that i love, i can't think of marrying other woman other than the woman i love. Excuse me." at umalis na si Eaen.

"Im sorry Mr. Ortega, but we don't want to mendle with our son's heart. I hope you understand. If there's other option you'll consider to sign the papers just let us know." at nagpaalam na ang mga ito.

Hinang hina siya. Ngayon alam na niya kung bakit hindi siya hinanap nito. Ang bilis naman ma expired ng sinasabi nitong love. Umalis lang ito at halos isang buwan silang hindi nagkita may mahal na agad ito at pakakasalan pa.

Sa ganong itsura siya nadatnan ng ama. Niyakap siya nito at wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak.

"Pa! Bakit ang sakit sakit? Bakit kailangan kong maramdaman ito. May mali ba sakin? Hindi ba ko karapatdapat na mahalin? Akala ko dumating na yung taong handang magtanggol at magmahal sakin pero iniwan din ako. Ang sakit Pa." umiyak siya ng umiyak, gusto niya ibuhos ang lahat ng nararamdaman niya. Para baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Mas masakit pa ito kesa noong naghiwalay sila ni Brent.

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon