Chapter 21

1.1K 15 0
                                    

Napagod siya sa party at napuyat dahil sa kakaisip kung tama ba ang desisyon niya na hindi layuan si Eaen.

Tumingin siya sa orasan na nasa bedside table alas diyes na ng umaga. Ayaw niyang bumangon at nanatiling nakatingin sa kisame ng kwarto.

Ilan minuto din siya naka tulala ng may kumatok sa pinto ng kwarto niya at ng magbukas iyon ay nakita niya ang mama niya na pumasok ng pinto.

"Gising ka na pala. Mabuti pa ay bumangon ka na at maligo may bisita ka." sabi ng mama niya na nakatayo pa din sa may pinto.

"Sino naman bisita ko?" kinusot kusot niya ang mata at umupo sa kama.

"Si Eaen." nagulat siya at napatayo.

"Anong ginagawa niya dito?"

"May pupuntahan daw kayo, naipagpaalam ka na niya sa amin ng papa mo. Kaya bilisan mo at kanina pa nag hihintay yung tao." yun lang ang sinabi nito at umalis na ng kwarto niya.

Dali-dali siyang nagtungo sa banyo para maligo. Namili siya ng damit sa closet she choose a yellow summer dress na nabili niya nung isang araw. Ayaw niya sana bilhin yon kasi hindi niya hilig mag suot ng dress pero dahil sa pagpipilit ng mga kaibigan ay nabili na din niya. Hindi nga sila nagkamali ng sabihin bagay sa kanya anh damit it complement her skin.

Sinuklay niya ang maikling buhok na hanggang balikat at nag apply nganipis na make up.

Nang pagmasdan ang sarili sa salamin at nakita na maayos na ang sarili ay bumaba na rin siya.

Naabutan niyang kausap ng Papa niya si Eaen. Lumapit siya sa Papa niya at humalik sa pisngi.

"Morning Pa." at tumango siya kay Eaen.

"So paano hijo ikaw na ang bahala sa anak ko, ingatan mo yan ha." bilin ng Papa niya.

"Dont worry sir ako po ang bahala kay Nitika." at bumaling ito sa kanya. "Let's go?" nilahad nito ang kamay sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

"Bye Pa." at nagpaalam na siya sa Papa niya at dumeretso sa labas.

Hindi na niya pinansin si Eaen hindi kasi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Binuksan ni Eaen ang pinto ng kotse at sumakay na siya.

Katabi niya ito sa passenger seat tahimik lang ito nakatingin sa harapan siya naman ay nakatingin sa labas, namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi din siya nakatiis at kinausap ito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya dito.

"Surprise." at ngumiti lang ito. "Kung inaantok ka pa matulog ka muna mahaba kasi ang byahe natin."

Hindi na siya nagsalita pa, hindi naman siya makatulog dahil na din kasama niya ito. Ilang oras pa ay nasa may slex na sila, saan na naman kaya siya dadalhin ng lalaking ito.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naramdaman nalang niya na parang may nakatingin sa kanya unti-unting nagmulat ang mga mata niya at nakitang nakatingin sa kanya si Eaen. Nakatulog na pala siya sa balikat nito.

Agad na umayos siya ng upo. "Asan na tayo?" tanong niya dito.

"Where here in batangas. Hindi kita ginising kasi baka manapak ka pag may umistorbo ng tulog mo." nakangiting sabi nito.

Inirapan lang niya ito. Ngingiti-ngiti pa ito lalo tuloy siyang kinakabahan dito.

Lumabas na siya ng kotse at napansin na nasa isang resort sila. Tumingin siya kay Eaen na nasa tabi niya.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya.

"Mag rerelax." at nakita niya na may maleta na buhat ang driver nila. Maleta niya!

Wrong Sent! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon