Habang ako'y nagmu-mukmok sa isang sulok ng aking silid,
Naririnig ko nanaman ang pagbubunganga ni Inay sa labas, marahil ay kaaway nanaman n'ya ang kapitbahay namin.
Si itay? Ayun, nakikipag-inuman nanaman.
Si kuya? gumala nanaman kasama ang barkada n'ya.
Si ate? Ayun, bumili ng bagong pampaganda, may kliyente nanaman s'ya mamaya.
At ako? Mas piniling dito na lamang sa kwarto at makinig sa musika upang takasan ang aking mundo na punong-puno ng gulo."Anak! Bumili ka nga ng isang bote ng alak." Rinig kong sigaw nanaman ni Itay sa labas ng kwarto ko."Opo, tay"
Paglabas ko ng bahay ay nakasalubong ko si Ate,
"Bunso, saan ka pupunta?"
"Bibili po ng alak, utos po ni Itay."
"Bilhan mo na rin ako ng bleyd."Nagtungo na ako sa tindahan,
"Pagbilhan po ng bleyd at alak."Ganito ang tingin nila sa akin,
Utusan at katulong.
Madalas ay iniiwan nila akong mag-isa at pinaglilinis nila ako ng buong bahay,
Minsan pa'y h'wag daw nilang maaabutan na madumi ang bahay.Pag-uwi ko'y inabot ko na kay Itay ang pabili n'ya.Nagtungo naman ako sa banyo dahil tinawag ng kalikasan,
Habang nakaupo'y may naisip na paraan..."Bunsooooo! Nasaan na yung bley----"
"Bunsooooooo!"---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!
BINABASA MO ANG
Siniping Dagli At Tula
Short Story"Walang pinipiling tao, Basta kaya mo, Magiging isa ka rin sa mga katulad ko, Makakapag-sulat ka rin ng mga akda at tula kagaya ko." Magandang buhay! Kaytagal na rin pala noong huli akong nakapagsulat, Ngayon, nais kong buhaying muli ang aking diwa...