Isa--Dalawa--Tatlo...
Mga salitang sinambit ko at pagbilang ko,
Bago ka tuluyang lumayo
At kumalas sa mahigpit na pagkakayakap ko.
Sinubukan kitang pigilan,
Ngunit nanaig pa rin ang desisyon na ako'y iyong iwan.
Bakit nga ba? Anong dahilan?Bakit mo ako nilisan.
Isa--Dalawa--Tatlo...
Tila sa isang pag pitik at isang iglap,
Ika'y nawala este tuluyang kumawala sa piling ko.
Na tila dinaig pa ang Mahika sa pagsambit ng Abrakdabra,
Sa isang iglap nawala ka bigla.
Teka aalahanin ko lang,
Sasariwain ko lang ang mga alaala.
Oo sasariwain ko, sasaktan kong muli ang sarili ko hanggang sa magising ako sa katotohanang wala ka na sa piling ko.
Araw araw, mula noong ako'y nilisan mo, tila bumabalik ng kusa ang mga alaala na binuo ko kasama mo.
Sa pagkakatanda ko, wala akong nagawang mali sayo.
Pero bakit mo ako ginanito?
Isa--Dalawa--Tatlo...
Naalala ko na,naalala ko na.
Nalaman kong may iba ka.
Ngunit pinapili kita,
Ako o Siya?
Ang pinili mo ay sya. Wala akong nagawa
Dahil alam kong mas mahal mo sya.
Sino ako para pigilan ang nararamdaman ng iba?
Sino ako para pilitin na ako ang mahalin kahit hindi naman siya masaya?
Sa huling pagbilang ko..
Isa--Dalawa--Tatlo...
Paggising ko,wala agad ang alaala ko.
Oo nawala. Ni isa hindi ko na kilala.
Sabi nila,ako daw ay nagkaamnesia.
Kaya sige,
Tatapusin ko na ang istoryang ito,
Gaya ng relasyong aming binuo.---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!
BINABASA MO ANG
Siniping Dagli At Tula
Short Story"Walang pinipiling tao, Basta kaya mo, Magiging isa ka rin sa mga katulad ko, Makakapag-sulat ka rin ng mga akda at tula kagaya ko." Magandang buhay! Kaytagal na rin pala noong huli akong nakapagsulat, Ngayon, nais kong buhaying muli ang aking diwa...