Maraming tao ang nasa likod ng selda,
At ang iba'y nalagutan na ng hininga,
Ngunit ang lahat ba ay may sala
O ang iba'y napagbintangan lang pala?
Sa kasalukuyang isyung panlipunan,
Isang halimbawa na ang pagpatay sa labingpitong gulang na binata,
Nasaan ang hustisya,
Kung hindi naman pinapakinggan ng mga pulisya ang istorya ng ibang biktima?
Kung tumitingin na lang sila sa bawat ebidensya,
Gumagawa ng sariling istorya kahit sila rin mismo ang may sala.
BINABASA MO ANG
Siniping Dagli At Tula
Conto"Walang pinipiling tao, Basta kaya mo, Magiging isa ka rin sa mga katulad ko, Makakapag-sulat ka rin ng mga akda at tula kagaya ko." Magandang buhay! Kaytagal na rin pala noong huli akong nakapagsulat, Ngayon, nais kong buhaying muli ang aking diwa...