TULA #2 : ESPASYO

55 2 0
                                    

Magkahawak ang ating mga kamay,
Habang tayo'y naglalakbay,
Sumasabay na lamang sa agos ng buhay,
At tila ayaw sambitin ang salitang "Babay"

Pangakong walang iwanan,
Magkasama hanggang sa dulo ng walang hanggan,
Isinulat sa kalangitan at saksi ang buong kalawakan,
Na tayong dalawa'y nagmamahalan.

Gusto kong ikaw ang kasama,
Hanggang sa ating pagtanda,
Walang makakapaghiwalay sa'ting dalawa,
Basta ika'y magtiwala.

Isang araw, habang nasa dalampasigan,
Aking kamay ay iyong hinawakan,
Tinignan kita sa iyong mga mata,
May nais ka bang sabihin sinta?

Ilang minuto ang lumipas,
Nagsalita ka na rin sa wakas!
"Pasens'ya ka na naglaho na ang pag-ibig ko sa'yo."
Mga luha'y tuloy-tuloy sa pagtulo.

Siguro nga'y nanlamig ka,
Siguro nga'y nag-sawa ka,
Siguro nga'y napagod ka na,
At ang masakit, siguro'y may iba ka na.

Yinakap kita sa huling pagkakataon,
Salamat sa tatlong taon,
Ako'y lilisanin,
Alaala'y babaunin.

Nagkaroon ng espasyo sa pagitan natin,
Hindi alam ang pinagmulan,
Pagsasama'y tuluyang kinalimutan,
Katagang Mahal kita'y ibubulong sa hangin.

Gaya ng espasyo sa aking kwarto,
Dito ilalagay ang memorabilyas at alaalang nabuo,
Pangakong hanggang dulo,
Tuluyan nang napako.

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon