TULA #1: KABATAAN

136 0 0
                                    

PAALALA: Bago simulang basahin ang tulang ito, nais ko mag-pasintabi sa tatahaking tema, at sa mga salitang maaaring makatapak ng mambabasa, NGUNIT hindi ko naman ito nilalahat sa mga kabataan, ito ay pawang katotohanan lamang. Salamat!

---

Gaya nga ng tanyag na kasabihan,
"Kabataan ang pag-asa ng bayan."
Ngunit bakit sa paglipas ng panahon,
Tila mga kabataan din ang sumisira sa kasabihang iyon.

Mga kabataan na tila tinangay ng agos,
Naligaw at napariwara ng landas.
Ang iba nama'y nagpabaya sa pag-aaral
At tila k*l**d**n ang inuna.

Kabataang pag-asa ng bayan,
Unti-unti na nga bang lumilisan?
Kabataang mamumuno sa ating lahat,
At kabataang magsisilbing boses ng mamamayan,
Nasa'n ka na?
Hinahanap ka na ni Rizal.

Nawa'y magsilbing mabuting halimbawa,
Ang mga kabataang nananatili pa,
Nananatili sa dating gawi at nakagisnan,
Upang magpatunay na Kabataan nga ang pag asa ng bayan.

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon