DAGLI #4 : TAGAHANGA

82 1 0
                                    

Alas-kwatro pa lamang ng hapon ay nasa pagdadausan na ako ng palabas, ngunit alas-sais pa naman ang simula ng kanilang pagtatanghal. May dala-dalang banner at idagdag mo pa ang sariling gawang regalo para sa kanila. Nagsimula nang magtawag para sa pila, at ako naman ay dali-daling nagpunta upang hindi mapunta sa kadulu-duluhan.

Pagpasok pa lang ay hindi na maipinta sa mukha ang saya, ako'y pumwesto na agad sa harapan, tila abot na ang entabladong kanilang pagtatanghalan. Ilang sandali pa'y nagsimula na ang palabas.

"Waaaaahhh!"
"Ang galing n'yooooo"

At tila isa na rin ako sa nakisabay sa kanilang pagkanta habang dala-dala ang banner na aking ginawa.
Pagkatapos ng palabas ay isa ako sa maswerte nabigyan ng pagkakataong nakapasok sa backstage upang makausap at makapagpalitrato sa kanila. Naibigay ko rin ang regalo ko para sa kanila. Hindi mapaliwanag ang saya, ang ngiti'y abot tenga.

"Anak, kumilos ka na at gumayak, pupunta na tayo sa konsiyerto nila."

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon