TULA #4 : KAHIRAPAN

89 0 0
                                    

Ilang taon ang lumipas at nagdaan,
Bakit tila krisis at mahihirap ay nadadagdagan?
Saan nga ba napupunta ang bawat salapi ng mamamayan?
O pili lang ba talaga ang mga kailangang tulungan?

Ilang presidente na ang naluklok,
Ngunit bakit pagbabago'y naging alikabok,
Alikabok na nananatili lamang sa isang sulok,
Nasa'n ang pangako ng mga naluklok?

Ilang libong tao ang nasa iskwater,
Ilang libong tao ang walang sariling bahay at matutulugan,
Ang iba'y mas pinili na lang sa lansangan,
Nasa'n ang mga programang ipinangako bago dumating ang halalan?

Ilang libong tao ang walang trabaho,
Dahil nagiging mapili ang gobyerno,
Mas pinipiling mga nakapagtapos ang tanggapin sa kompanya,
Dahil ang tingin nila sa hindi nakapagtapos ay mababa.

Hindi ba maaaring gumawa ng aksyon,
Para sa nasabing problema bawat taon?
Kung gusto may paraan,
Kung ayaw may dahilan.

Kung sino pa ang nasa mababa,
Mas matataas pa ang mga pangarap nila,
Nais nilang makapagtapos,
Ngunit kapos sa pera.

Nais maging iskolar,
Ngunit pati sa pagiging iskolar ay pinipili na nila,
Ang iba ay may kapit,
Kaya nawawalan ng pagkakataon ang nga gipit.

Paano ba tuldukan,
Ang krisis at kahirapan,
Na tila wala nang katapusan,
Mga mamamayan ay dapat pantay-pantay lang ang karapatan.

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon