Sinimulan ko sa pagsulat.
Sa pagsulat ng ating nasimulan.
Ilalagay ko ito sa unang pahina.
Sa unang pahina na kung saan naroon ang lahat ng saya.
Hanggang sa nilipat ko na sa ikalawang pahina,
Nagpatuloy ang saya.
Nagtuloy tuloy ang saya,ang pagtawa at magagandang alaala.
Hanggang sa dumating na sa bandang gitna.
Sa pinaka-katawan ng ating kwento.
Nagsimula ang lungkot at gusot.
Hindi ko alam kung paano?
Kung paano humantong sa ganito.
Masaya naman tayo sa simula.
Masayang masaya.
Ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pagsulat.
Ang pagsulat ng kwento nating dalawa.
Kwentong bumuo ng mga alaala.
Masasaya at malungkot na alaala.
Sabi ko sa sarili ko,
Tatapusin ko ito.
Tatapusin ko ang pagsulat
Kahit nasasaktan na ako.
Kahit lumuluha na ako.
Gagamitin ko na lang ang mga luha ko bilang panulat.
Hanggang sa nakarating na ako sa mga huling pahina,
Oo huli.
Parang tayo.
Dahil huli na ang lahat.
Huli na noong nalaman kong...
Nalaman kong hindi pala pareho ng tinitibok ang ating mga puso.
Nalaman kong kaibigan lang pala ang turing mo sa mga katulad ko.
Nalaman kong iba pala ang mahal mo at hindi ako.
Pero huli na eh.
Naisulat ko na yung kwento natin.
Kwento nang kung paano mo ako alagaan.
Kung paano mo ako pinahalagahan.
Kaya umasa ako.
Umasa ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Parang TAYO.akala ko mayroong tayo pero wala pala.
Pero sige,gaya ng sabi ko...itutuloy ko pa rin ang pagsulat nito.
Nasimulan ko na eh.Tatapusin ko na rin.
Huling pahina.
Nagkita tayo,at nakipag usap ka sa akin.
Sinabi mo "PATAWAD...HINDI KO NASUKLIAN ANG IYONG PAGMAMAHAL."
Unti unting tumulo ang aking mga luha.
Luha na nagpapakita ng sakit,hapdi at panghihinayang.
Bakit kasi hindi na lang tayo?
Bago ka magpaalam...
May inabot kang isang sobre...
Sobre na mukhang imbitasyon ang laman.
Binuksan ko ito pag-alis mo,
Hindi ako nagkamali.
Dahil imbitasyon ito ng inyong kasal.
Kasal ninyo ng taong pinakamamahal mo.
Dito ko na lamang tatapusin ang pagsulat sa librong ito.
Hanggang dito na lang
Ngunit hindi pa huli ang lahat
Paalam at Salamat.---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!
BINABASA MO ANG
Siniping Dagli At Tula
Short Story"Walang pinipiling tao, Basta kaya mo, Magiging isa ka rin sa mga katulad ko, Makakapag-sulat ka rin ng mga akda at tula kagaya ko." Magandang buhay! Kaytagal na rin pala noong huli akong nakapagsulat, Ngayon, nais kong buhaying muli ang aking diwa...