Habang ako'y nanananghalian sa isang restawrant, may isa lalaki sa na naki-upo at nakisalo sa aking lamesa. Punuan kasi ito ngayon kaya marahil ay rito s'ya nakahanap ng espasyo sa lamesang ito.
Hindi ako mapalagay habang ako'y kumakain, siguro ay dahil ito sa lalaking aking katabi. Kung papansinin ay nasa labing-anim o labing-pito ang edad n'ya,
Dahil sa aking kuryosidad at wala naman s'yang kasama, pinili ko na lang na kausapin at makipagkwentuhan sa kan'ya. Ngunit napansin kong hindi n'ya ginagalaw ang kan'yang pagkain bagkus ay kanina pa s'ya tila may ka-teks sa selpon n'ya."Iho, may hinihintay ka ba? Bakit hindi mo kainin ang inorder mong pagkain?"
"Hinihintay ko ho kasi si mama."
"Ngunit bakit isa lamang ang inorder mo kung dalawa naman pala kayo ng mama mo?"
"Kapos po kasi kami ngayon e,kaya maghahati na lamang po kami rito. May binili lang ho s'yang gamot n'ya kaya hinihintay ko po s'ya at sabay kaming kakain."
"Anong bang karamdaman ng mama mo?"
"Marami na ho s'yang karamdaman e, dulot na rin ho siguro ng katandaan. Minsan pa nga po'y kaunti at hindi sapat ang gamot na binibili n'ya dahil nga po sa kapos kami sa pera."
"Nasa'n ba ang iyong tatay?"
"Iniwan na ho n'ya kami noong ako'y tatlong taong gulang pa lamang.Hindi ho namin alam kung nasaan na s'ya ngayon, siguro po ay masaya na sa bago n'yang pamilya."
*buzzzz* *buzzzzz*
Pag-vibrate ng selpon ko sa aking bulsa."Iho,saglit lang ha."
Sinagot ko na ang tawag.
"Sige, boss. Tapos na rin naman akong kumain e, babalik na rin ako d'yan."Aking pinatay ang tawag at kinausap muli ang binatilyo na aking katabi.
"Iho, heto." Sabay pag abot ng pera sa kan'ya.
"Naku! Hindi ko ho iyan matatanggap, marahil ay magtataka ang aking ina kung saan ko ito nakuha."
"Sabihin mo sa iyong ina na may nag abot ng tulong sa inyo. Siguro naman ay sasapat na ang kakailanganing gamot ng iyong ina sa pamamagitan nito. Sige, iho aalis na ako."
Paglabas ko ng restawrant na iyon ay may nakasalubong akong isang babae na halos kasing-edaran ko lang, tila pamilyar ang kan'yang mukha, sinundan ko s'ya ng tingin at nakita ko kung saan s'ya nagpunta, sa binatilyong aking nakausap kanina.
Bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang nangyari noong mga nakakaraang taon, at naalala ko ang pamilyang iniwanan ko ng labintatlong taon.
Tinignan kong mabuti ang babae, at sinuri ito. Hindi naman siguro ako namamalik-mata, at s'ya nga! S'ya nga yung babaeng minsang minahal ko.
---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!
BINABASA MO ANG
Siniping Dagli At Tula
Truyện Ngắn"Walang pinipiling tao, Basta kaya mo, Magiging isa ka rin sa mga katulad ko, Makakapag-sulat ka rin ng mga akda at tula kagaya ko." Magandang buhay! Kaytagal na rin pala noong huli akong nakapagsulat, Ngayon, nais kong buhaying muli ang aking diwa...