Rinig na rinig ang bawat pag-hakbang at yabag ng aking mga paa sa koridor ng paaralang ito, wala akong masulyapan na maraming tao, marahil ay nasa kanya-kanya na silang silid-aralan at nag-simula na ang klase.
"Anak, bakit andito ka pa sa labas?"
"Hinahanap ko ho kasi ang aking silid-aralan, baguhan pa lamang po ako rito."
"Ano bang pangkat mo?"
"10-Narra ho ang aking pangkat."
Itinuro n'ya ang daan paturo sa aking hinahanap na silid-aralan.
At patakbo akong pumunta roon dahil malamang ay huli na ako sa aking klase.*tok* *tok* *tok*
Pagkatok sa silid-aralan ng pangkat na aking kinabibilangan.
Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang malinis at maayos na silid-aralan, may mga kapwa-estudyanteng sa akin ay nakatingin."Pumasok ka na, at magpakilala ka"
Sambit ng guro na nasa harap ng klase.
Pumasok ako at nagsimula na lang na magpakilala sa kanila,
Hanggang sa bigla na lamang tumulo ang aking mga luha,
Puno ng luha na halos wala na akong maaninag at makita,
Ako'y pumikit at iniisip ang nangyayari.
Ilang sandali pa'y nahimasmasan at pagmulat ng aking mga mata'y wala na ang mga tao sa aking harapan.---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!
BINABASA MO ANG
Siniping Dagli At Tula
Short Story"Walang pinipiling tao, Basta kaya mo, Magiging isa ka rin sa mga katulad ko, Makakapag-sulat ka rin ng mga akda at tula kagaya ko." Magandang buhay! Kaytagal na rin pala noong huli akong nakapagsulat, Ngayon, nais kong buhaying muli ang aking diwa...