DAGLI #6 : TRAYDOR

73 0 0
                                    

Kinuha ko na ang aking baril, at nagsimula nang maglakbay,
Kakatawag lang halos ng kumpare ko tungkol sa mga drug pushers dito sa lugar namin. Bilang isang pulis, trabaho namin ang hulihin ang mga taong lumalabag sa batas.

Sinimulan na naming puntahan ang nasabing mga nagtutulak ng ipinagbabawal na mga gamot.
Ilang sandali pa'y narating na namin ang bahay.
"Ikaw na mauna." sabi sa akin ng kasamahan kong pulis.
Ako nama'y sumunod sa kan'ya at ako ang nauna sa pagpunta sa bahay. Sa aking bawat paghakbang ay nakakaramdam ako ng kaba. Ikinasa ko na ang aking baril,bilang paghahanda.

"Pare! Ibaba mo ang baril mo!" sabi nung isang kasamahan ko na sumusunod sa akin.
"Alam na namin ang tinatago mo! Isa ka sa mga salot!"
Hindi ako nagpatinag, hindi ko pa rin ibinaba ang hawak kong baril.
"Ayaw mong ibaba ang baril mo?"

*bang*

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon