TULA #8 : TAKE MY HAND

26 0 0
                                    

Yung pakiramdam mong parang iniwan ka na ng mundo,
Tila ang mga tao sa paligid mo ay wala nang pakialam sayo.
Parang ikaw lang ang nakasalungat sa agos at daloy ng mundo,
Habang sila nagpapakasaya sa bago nilang mundo at nakakasalamuhang mga tao.
Madalas ka mag isa sa isang madilim na daan,
Nakikita mo sila ngunit hindi mo alam kung ikaw ay kanilang sasamahan.
Sa bawat pagtahak at pagtapak mo ay kasabay din nito ang pagpatak at pagtulo ng mga luha mo.
"Mga luha na ang dahilan ay sila."
"Mga luha na ang dahilan ay sila."
"Mga luha na ang dahilan ay sila."
Mga salitang paulit ulit na sumasagi sa iyong isipan.
Dahil lamang sa isang katagang "Change is coming" ng isang politiko,
Halos lahat na ng mga tao ay nagbago.
Kasabay ng pagbabago nila ay kasabay din ng paglimot nila sayo.
Sayo na parang hindi ka naging parte ng kanilang mundo.
Na tila sa isang iglap ay ganun ganun ka na lang nila kalimutan.
Dati rati'y kapag nakikita ka nila babatiin ka ng "kamusta ka?"
Ngayon nama'y kapag nakita ka nila, ganun ganun ka na lamang nila kung lagpasan at daan daanan.
Tila bumalik kayo sa dati, sa kung saan hindi pa kayo magkakakilala.
Madalas ka paring nakasunod sa kanila kahit alam mong sila, hindi ka na maalala at sa kanila'y hindi ka na mahalaga.
Gusto mong makasiguro sa bawat dadaang mga araw kung kamusta sila, malayo sila sa disgrasya at kung masaya na nga ba talaga sila.
Habang sinusundan at patuloy mo pa rin silang hinahabol,
Heto ako, nakasunod rin sayo.
Gusto naman kitang kamustahin,
Hindi ka ba naaawa sa sarili mo na habol lang ng habol sa mga taong alam mong wala nang pakialam sayo?
Hindi ka ba napapagod sa pag iyak na walang ibang dahilan kundi sila.
Sila na puro sakit ang binibigay sayo,
Sila na hindi marunong magpahalaga ng bawat oras na binibigay mo,
At sila na tuluyan nang lumimot sayo.
Bakit hindi mo ulit subukang maglakad sa dilim,
Bakit nakatuon pa rin ang iyong pansin sa mga taong hindi ka na pinapansin?
Nandito naman ako, handa akong maging kaibigan mo.
Kung ano ang ginagawa mong pagsunod at pagbantay sa kanila,
Ganoon din ang ginagawa ko sayo.
Kasi kung ikaw hindi naaawa sa sarili mo, pero ako awang awa na sayo.
Ayokong maramdaman ng mga anak Ko na iniwan na sila ng mundo.
Nilikha ko ang mundo hindi para sarilinin mo,
Kundi para makisalamuha ka sa mga taong karapat dapat sayo.
Abutin mo na lang ang kamay Ko at Ako na ang bahala sayo

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon