DAGLI #5 : OFW

113 1 0
                                    

Limang taon na ako rito sa Saudi, at isa akong domestic helper rito. Alam kong hindi madali ang trabaho ko sapagkat matanda na ang aking amo, pero kakayanin ko para sa pamilya ko. Kapwa Pilipino ko rin naman ang amo ko rito.

"Ano? Magpapahinga ka nanaman?"
Linya ng amo ko sa tuwing nakikita akong nagpapahinga.
Buong araw ay nilinis ko ang bagay, pagsisilbihan at susundin ang bawat utos ng aking amo.

Minsan nga ayyy...madalas pala, pinagmamalupitan n'ya ako sinasaktan at ipinaranas n'ya kung paano ang maging isang hayoo na nasa kulungan lamang at hindi lumalabas,idagdag pa ang paa't kamay kong nakakadena at nakaposas, walang pagkain, walang komunikasyon at laging parusa na lamang ang abot ko. Hindi ko lubos maisip na kahit kababayan mo'y gagawan ka ng gano'n.

Lapis at kwadernong ito lamang ang aking sandata sa tuwing ako'y pinapahirapan n'ya.
Lahat ng sakripisyo't hirap ay aking ginagawa para sa kinabukasan ng aking pamilya, nais kong malaman nila na mahal na mahal ko sila kahit ako'y ma-----------

"Nene, ano 'yang binabasa mo? Mamaya mo na 'yan ituloy. Alayan muna natin ng dasal ang iyong Ina, isang taon na rin pala ang nakakalipas."

---
Mensahe ng may akda: Magandang Buhay! Kung kayo ay may komento/reaksyon,konklusyon, o nais itampok na tema sa aking mga susunod na DAGLI at TULA, maaari kayong mag-komento sa ibaba. Salamat!

Siniping Dagli At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon