I know it's been how many months since the last update of this story so I just wanna say sorry to all of you. sobrang busy ko lang talaga dahil being a grade 12 student is so fucking stressful lalo na at ggraduate na. so yun nga, I'll say na hiatus muna ako and focused muna sa study. second is, i don't know if pwede kong sabihin to but I'll post together with this my spoken word poetry about depression. if nakita niyo yung hint then thank you, pero kung hindi it's okay haha. So, dun sa nakakita na nito sa facebook ngayon. BAKA AKO DIN YUN AHAHAHA YUN LANG. LAB KO KAYO PERO HIATUS MUNA AKO. THANKYOU SA LAHAT NG NAGBAABSA NITO FIGHTING~
PAHINGA (spoken word poetry)
Minsan sa buhay, di natin alam kung kailan tayo susuko.
Kung kailan tayo magpapahinga pag napapagod na.
Mga panahon na ititigil mo na yung mga bagay na ginagawa mo kasi nasasaktan ka na
Mga simpleng salita na tila kutsilyo dahil sa talas na para sa iba ay biro, pero para sayo ay isa ng pagbabanta.
Kailan ba titigil? Kailan mapapayapa? Kailan makakamtam ngiting aking inaasam?Pag pinikit ko ba ang mga mata at hindi na magigising pa?
Napapaisip, sa lahat ng tao, bakit ako pa?
Anong meron? Ako'y tila naguguluhan, madami na ngang problema, madadagdagan pa.
Naiiyak sa tuwing ika'y nagpaparamdam, pero bakit ganun?
Ako'y ayaw mong lubayan, sakit na nararamdam ay tila pinapatungan mo paTingin nila saki'y laging nakikipagbiruan, nakikipaglokohan
Ganun ba ako kasaya sa harap niyo na tila hindi niyo napapansin ang mga pinagdadaanan ko
Pinagdadaanan na tila di ko inisip na ako ay dadapuan
Sabagay sino ba ako sa inyo?
Kaibigan, kaklase, kaaway o isang tao lang na hindi niyo mapapansin kahit anong gawin ko?Tipong lalapit lang pag may kailangan kayo? Pagod na ako. Pagod na pagod na
Kayo? Pagod na din ba kayo? Pagod na din ba kayong gamitin lang ako para sa sariling kagustuhan niyo?
At itapon o iwan na lang na parang isang basura na dapat ilagay sa basurahan?
O bagay na iiwan at papalitan dahil nasira na at nagsawa na?
Kasi ako gusto ko ng itapon. Itapon ang lahat ng sakit at ang mga gumugulo sa aking isipanPero paano? Paano ko gagawin kung sa tuwing sinusubukan , nandyan kayo para ipaalala at pigilan ako?
Pigilan sa paraang kailangan kong maging matapang. Kaso sumusuko na yung Sistema ko sa paulit-ulit na ginagawa niyo
Sa mga oras ngayon, sa panahon ngayon, isa lang talaga ang gusto ko at pumapasok sa isipan ko isang salitang pahinga.Ang magpahinga at matulog na tila walang iniisip na problema
Siguro sa paningin ng iba ang drama-drama ko na, ang hina-hina ko na at kung ano-ano pang negatibo na pwedeng sabihin sa mga sinusulat ko at sinasabi ko
Pero ano nga bang alam niyo para husgahan ako? Kilala niyo ba ako? Marahil ang sagot niyo ay oo, pero hanggang saan? Gaano kalawak?Minsan may mga bagay talaga na dapat isa walang bahala, pero itong aking nasa isip ay kahit binabalewala ay humahanap ng paraan para mabigyan pansin
Siguro sa ngayon, sa mga panahon na to, sa mga oras na to, natutuwa ka na, kayo
Dahil ang tanga ko para magpabulag at maniwala sa mga pinagsasabi niyoHumihingi ng kapatawaran kung may nagawa o magagawang kasalanan, isang mabigat na kasalanan
Di man ngayon, bukas o makalawa, basta alam ko sa sarili ko
Unti unti na akong nilalamon ng kadiliman na aking kinakatakutan at pinaka iniiwasan
Sa mga taong iniwan ako, sinaktan ako, siguro masaya na kayo?
Ang taong di niyo inaasahan na may dinadala na palang problema ay bumibigay naPatak ng luha ay unti-unti ng bumibigay, tila paghinga ay bumibigat na din
Lahat ng mga sakit at problema ay di nakayang pigilan pa, pigilang itago sa aking puso pero nagkamali ako. Dahil lahat ng iyon ay kusa ng lumabas na di ko alam kung ilang balde ng luha ang katumbas
Sa mga taong naniniwala sakin, sa mga nagmamahal sa akin at sa taong mga mahal ko, ako'y inyong patawarin dahil ako'y sumusuko naSumusuko sa paraang di niyo magugustuhan, alam kong may ibang paraan pero ito lang ang alam kong mabilis na solusyon
Solusyon para takasan ang mga problema na hindi ko na kayang ayusin at baguhin pa. Alam kong hindi ito ang aking tadhana, pero ako na mismo ang magbabago nun dahil ayoko ng pahirapan pa ang sarili na kusang nagsasabi na magpahinga ka naAlam kong di niyo ako mapapatawad sa aking gagawin, di man ngayon pero gusto ko sana magpasalamat
Magpasalamat na kahit ganito ako ay may mga tao pang sinusuportahan ako at ayaw nilang mawala ako
Marahil ay sasabihin niyong bakit hindi ako kumuha ng lakas sa kanila kung sila yung nagpapasaya sakin
Dahil ayokong iwan sila dahil sa miserable at magulo kong buhay.Isang salita na saking isipan ay kanina pa naglalaro
Salitang makasarili na tila hindi ko inaasahan na gagawin ko. Makasarili dahil hindi ko iniisip ang nararamdaman niyo pero pagod na pagod na ako
Lahat naman ginawa ko na pero hindi pa pala sapat ang lahat dahil may mga taong hahadlangan ka talaga para sumaya
Alam kong naguguluhan ka, gusto ko lang ilabas ang mga hinanakit na nakakubli sa aking puso
Salamat, patawad at mahal ko kayo, pero sa tingin ko hanggang dito na lang talaga akoTandaan niyo lagi lang ako nandito para sa inyo, hindi man literal pero sana sa presensya ko maramdaman niyo, na mahal na mahal ko kayo at wala akong ibang hiniling kundi ang maging masaya kayo
Wag niyo na akong isipin, dahil Makita ko lang ang mga ngiti niyo ay nagiging masaya na ako
Wag kayong mag-alala dahil hinding hindi ko kayo makakalimutan dahil naging parte na kayo ng masaya at malungkot kong buhaySa muli mga kaibigan at sa mga taong hindi ko inaasahan na ako ay iiwan, maging masaya kayo at ako'y unti unti niyo sanang kalimutan
Mahal ko kayo at kayo ang pag asa ko para magpatuloy,
Pero hindi ko na kaya. Isang salita na aking inaasam ay makakamtan ko naAng salitang Pahinga.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Alien? (Vkook) ||ONHOLD||
UmorPaano Kung Ang Isang Alien Ay Manligaw? Ano Ano Kaya Ang Mga Gagawin Niya? Sabay Sabay Nating Basahin At Alamin Kung Paano Manliligaw Ang Isang Kim Taehyung. Vkook Story :) ON-HOLD GONNA DO A MAJOR EDITING