"Gosh! Graaabe. Nakakakilig.." Sabi nung isa naming kaklase.
"Oo nga noh. Graabe. Dito pala silang dalawa natulog.. And guess what, shirtless pa si Vince... .." Student 2
"May nangyari kaya sa kanila kagabi?" Student 3
"SHUT UP! Will you?!" Pasigaw na sabi ni Vincent sa mga babaeng naguusap usap. Ako naman, nasa isang sulok lang.. Nahihiya ako. Hindi dahil sa mga kaklase ko kundi yung nangyari kagabi.. Ano ba! >_<
"Uwi muna ako." Sabi ko kay Vincent. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Sabay na tayo.." At nagsimula na kaming lumakad palayo...
Nung nasa baba na kami, nagpaalam na ako sa kanya. Lagot ako nito kina mama ngayon.. Tsk! Badtrip!
Habang naghihintay ako ng taxi na masasakayan, may isang kotseng tumigil sa harap ko. Dahan dahan itong bumukas at nakita ko ang isang lalaki.
"Sakay na." Sabi niya.
"Ayoko nga. Okay lang. Magco-commute na lang ako.."
"Hindi. Sakay na.. Dali.." May choice pa ba ako? Tsk. Nung isinara ko na yung pinto, umandar na yung kotse niya.....
Habang nasa biyahe kami, tumigil kami sa isang gasoline station. Tiningnan ko naman yung gas niya, hmmp, mae-empty na.
"200." Sabi niya dun sa gasoline boy.
"Bayad mo?" Napataas ng kunti ang kilay ko habang pinagmamasdan yung kamay niya na para bang humihingi ng pera.
"Pasahe mo?" Paulit niyang sabi..
"Hindi ba libre?" Tanong ko sa kanya.
"Asa ka pa.. Hindi.. Dali na.."
"Teka, 200? as in 200 pesos? Ang mahal naman ata! 150 nga lang yung pasahe ko pag nakataxi ako eh."
"Eh yung utang mo kagabi?" Ngiting ngiti nitong sabi.
"Oh, 170 lang. Diba tag 20 lang naman yun?"
"Oo nga. Eh yung pagbuhat ko sa'yo at yung ginawa mo kong unan?" Nankangiti naman siya ng nakakainsulto! Bwiset tong lalaking to ha..
"Arrrrgggghhhh! Sana pala, di na ako sumakay sayo.." Padabog kong kinuha yung pera ko at iniabot sa kanya.
"Eh di sa susunod, wag ka ng sumakay.." At pinaandar na niya ito ulit...
Hinatid naman niya ako sa bahay ng safe. Haaay. Buti na lang..
Nung binuksan ko yung pinto, tumambag agad sa'king mga mukha ang mukha ni mama.
"Diyos ko anak. Saan ka ba galing ha at di ka umuwi?" Hinawakan ko naman si mama sa braso.
"Na-lock po kasi ako sa room namin eh. Kaya ayun, hindi ako makalabas.."
"Diyos ko naman. Buti na lang at walang may nangyaring masama sayo.." Hinalikan niya ako sa pisngi
"Ano, nagugutom ka na ba, ha?" Tanong niya.
"Masakit po ulo ko. Maya na lang ako kakain mama." Hinalikan ko siya sa pisngi at lumakad papunta sa taas.
Naligo muna ako bago humiga ng kama. Mahirap na, baka kung ano ang nangyari sa'min. Humarap ako sa salamin at dahan dahan kong hinawakan ang aking mapuputlang labi..
Bakit siya yung first kiss ko?
flashback.
Naramdaman kong may nakayakap sa'kin kaya naman niyakap ko lang siya ng mahigpit..
"Wanna try my kisses?" rinig kong tanong niya.
"hmmm. sige..." Sabi ko habang nakapikit ang aking mga mata. Nung imumulat ko na sana ang mga mata ko, bigla na lang niya akong hinalikan kaya naman napabalik ang pagpikit ko at finifeel yung tamis ng mga halik niya. Damn! He's a great kisser!
Nung naramdaman kong nasa ibabaw ko na siya, napamulat na lang ako at bigla ko siyang tinulak kaya naman natamaan ang ulo niya sa mesa..
"Ano ba!" Sigaw kong sabi.
"Sorry.. I thought you're Angel.." At tumayo na siya saka kinuha yung shirt niya...
end of flashback
Sinampal ko na lang ang sarili ko saka nag-toothbrush at dumiretso na sa kama ko para matulog..
Vincent's POV
Pagdating ko sa bahay, dumiretso na lang ako sa kwarto ko at naligo.. Hoo!
Naaalala ko yung kanina, nung tinanong ko siya nung 'wanna try my kisses?" di ko naman aasahan na papayag siya eh.. Di naman siguro masama yung tanong ko diba kasi kahit yung girlfriend ko, hindi ko pa nahalikan yun kasi ayaw niya. Kaya kanina, sinubukan ko lang naman. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa kukuti ko at bigla ko na lang siyang hinalikan. Pero ang totoo, nagustuhan ko naman yun kasi ang lambot ng lips niya.. Tapos ang ganda rin ng shape ng katawan niya.. Points yun oh. Grab the chance! Hahaha.
Haaaixt! Di pwede! Ayoko! Nga pala, kailangan akong gumawa ng paraan bumalik lang si Angel sa'kin.... Sayang yung isang taon naming pagsasama kung di ko siya babalikan..
*knock knock knock*
Napamulat ako ng aking mga mata..
"Anak, nandito yung girlfriend mo.. Bumangon ka na diyan at buksan mo tong pinto." Kaagad naman akong napatayo at inayos agad ang sarili ko. Si Angel nandito? So ibig sabihin nun, makikipagbalikan siya sa'kin? Naku, di talaga ako matiis nung babaeng yun kaya lab na lab ko yun eh. Hehe ^_^
Nung bumaba na ako, nakita ko siya sa sala na nakaupo sa isang upuan, nagbabasa ng magazine..
"Babes!" Sabay lapit sa kanya at tumabi sa kanya. Hinalikan ko naman siya sa pisngi.. ha!
"Mag-usap tayo." Sabi niya at ibinalik ang magazine sa ilalim ng mesa at tumayo.
"Mag-usap? Tungkol saan? Tungkol ba sa sinabi mo sa'kin kagabi? Tungkol ba sa nangyari kagabi? Ano ka ba, ok...*PAAAK*" Napahawak naman ako sa pisngi ko at tiningnan siya ng may pagtataka.
"What was that for?" Tanong ko sa kanya.
"What was that for? Huh? Eh ano to?" At may ipinakita siyang mga pictures sa'kin. Una, yung magkayakap kami. Pangalawa, yung hinalikan ko siya. At yung pangatlo, yung nakaibabaw ako sa kanya. "Now tell me, what was this? huh?! At nag-overnight pa kayo DUN mismo sa room niya na magkatabi! Kaya pala hindi ka sumupot sa usapan natin dahil may kasama kang iba! At ginawa mo pang excuse yung na-lock ka sa loob! Yun pala, may kasama ka.. Now Vince, we're over. WE'RE FINALLY OVER!" Hinawakan ko naman yung kamay niya.
"Babes. Wala yun. Please, maniwala ka sa'kin. Please.."
"Tama na Vince.. Okay na sa'kin yung nakita ko. Nakahubad ka pa! DiBA?!" At tinalikuran na niya ako. At ang tangi kong nakikita ay yung likod niya na palayo sa'kin... .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
kyu_hyunIer's Note: Ano ba yan, inaantok na ako.. Hapon pa lang eh. Tapos kung matutulog na ako, di na ako makatulog. Bwiset lang eh noh? Enjoy reading eblewan! Hahaha.. XD