Chapter 11: What to do?

2 0 0
                                    

Nung bumalik na ako sa classroom, umupo agad ako sa upuan ko pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.

"Hoy. Kanina ka pa niyan ah.. " Sabi ni Queency ng inguso niya yung labi niya kay Vincent.

"Oo nga. Kanina ka pa tingin ng tingin doon.. Na develop na noh?" Sabi ni Jannel ng hampasin ako ng mahina.

"Ano ba kayo! Pwede ba. Wag muna ngayon." Tumahimik naman silang dalawa at nagsibalikan sa upuan nila.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at tinext ko siya.

To: Vince.

"Hoy! Problema mo?" Message Sent!

Maya maya, may nagreply.

1 message received

From: Vince

"Bakit? Pakialam mo ba?" Napasingkit naman ako ng mata bago ko siya nireplayan.

To: Vince

"Nagtatanong lang. Saka wala, wala akong pakialam.." Message Sent... Ha!

Hinintay ko yung reply niya pero hindi ito dumating hanggang sa dinismiss na lang kami ni ma'am.

"Okay class. Dismiss." Isa isa silang nagsitayuan at nakita ko namang nauna siyang lumabas kaya naman sinundan ko siya.

Habang naglalakad ako sa hallway. I mean habang ako tumatakbo sa hallway at siya ay naglalakad lamang, tinatawag ko siya pero di niya ako nililingon. Buti na lang at naabutan ko siya kaya naman hinawakan ko agad siya sa braso niya.

"hoy! Vince! Ano bang problema mo?! Nakakainis ka na ha! Kanina mo pa ako hindi pinapansin! Hoy!" Pilit ko siyang pinapaharap sa'kin pero di niya ako nililingon. At ng dahil sa inis ko, itinulak ko siya kaya naman nilingon na niya ako at lumapit sa'kin. Hinawakan naman niya yung kanang braso ko at mukhang gigil na gigil.

"Problema mo?" Tanong niya habang nakatitig sa'kin.

"May problema ka ba sa'kin?"  Binitawan naman niya ako at tinalikuran.

"Wala..." Nagsimula na ulit siyang maglakad pero hinawakan ko yung kamay niya.

"hoy! Vince naman eh.. ano ba.. May kasalanan ba ako? Tungkol ba to kanina? OA ha.." Nilingon niya ako.

"Una, wala kang kasalanan. Pangalawa, oo tungkol to kanina.. Pangatlo, pwede ba, wag mo na akong sundan?"

"Teka, bakit naman? Nagalit ka ba sa inasta ko kanina?" Lumapit naman siya sa'kin ng sobrang lapit.

"May dapat ba akong ikagalit?"

"E-ewan k-ko..." Naiilang na sagot ko.

"Sige na, alis na ako.. Andiyan na yung may gusto sayo oh.." Napalingon naman ako kung sino at si Javier yun.. Pagtingin ko sa kanya, naglakad na siya palayo...

"Tsk.." At bumalik ako sa room...

-

3 araw na simula nung araw na yun. Hindi pa rin niya ako pinapansin.. Minsan, ako na ang napipilitang magyaya sa kanya na sabay kaming mag-snack pero hindi niya ako sinasabayan. Minsan din, niyayaya ko siyang sabay kaming mag-lunch pero hindi siya sumusupot... Hindi ko rin alam kung bakit panay ang sunod ko sa kanya. Siguro, namimiss ko lang yung kakulitan niya..

Pero hindi ko naman talaga intensyong sabihin yun eh. I mean, may kurugtong pa yun. Sasabihin ko pa sanang "dahil noon pa lang, may gusto na ako sayo." pero bigla siyang nag-walk out kaya di ko natapos...

"Tulala ka na naman.." Nabuhayan naman ako ng magsalita si Claire. Tumingin naman ako sa kanila bago ako magsalita.

"Harsh ba yung pagkakasabi ko nun?"

"oo noh. Sobra kaya... At sa harap pa ng madlang peps.." -  Queency

"Oo girl noh. Kahit sino, masasaktan sa sinabi mo. Try mo kayang magpasabi nun kahit kanina sa harap ng maraming tao, tingnan natin kung matuwa ka." Sabi ni Clara ng inguya niya yung isang kutsarang ice cream.

"Pero hindi pa ako tapos nun.. May gusto pa akong irugtong nun pero.. nagwalk out siya.." Tumayo naman si Jannel at lumapit sa'kin.

"Kung ako sa'yo, sabihin mo sa kanya na gusto mo siya.. Baka maya maya, huli ka na." Umalis naman agad siya at humarap sa salamin. "Mahirap talaga pag-maganda ka noh?" Napataas naman ako ng kilay.

"Feeler mo teh." Sabi ko sa kanya.

"Feeler ka diyan. Totoo naman eh.. Bleh!" Nabigla naman kami ng may biglang pumasok sa room at siya yun kaya kaagad akong lumapit sa kanya.

"Vince?" Sa wakas, tumigil siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya lang ako.

"Nag-uusap na tayo.." Walang ganang sabi niya.

"In a private place.."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

kyu_hyunIer's note: Long chapter ah... Haha. Enjoy...

A Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon