Ilang weeks na ako dito.. I mean, 1 month na ako dito at sa loob ng isang buwan, marami na ang nangyari.. Magkagalitan pa rin kami sa isa't isa.. Eh siya naman talaga yung umuuna eh. Ngayon, ako naman ang babawi. Pinagbayad niya ako ng 200 pesos sa loob lang ng isang araw? grabe siya ha. Eh nanan-tsing nga siya sa'kin eh. Nung araw na...... arrrrgh! Wag na.. Sa tuwing naalala ko yung araw na yun, naiinis at kumukulo ang dugo ko... >_<
Pumasok na ako. friday na rin ngayon.. Buti na lang at maaga akong nakarating dito dahil kung hindi, may punishment... At dahil sa dakila akong estudyante, ako ang magpapanish sa mga students na late. Oh diba? Duty ko kaya ngayon sa C.A.T...
"10 push ups.. Ready. go!" Sabi ko sa mga lalaking late. At alam niyo ba, late siya. Bwahahaha.
"Teka ma'am, masyadong dami naman nun ata. Late lang ako ng 15 seconds.. 5 push ups lang.." Reklamo nung isa.
"di pwede.. Sige na. Baka gawin ko pa yang 20.. Faster!" Wala silang choice kundi sumunod..... Nagsimula na silang mag-push ups samantalang yung isa, steady lang.
"Oh, ikaw, anong tinitingin tingin mo diyan. Push up na.." Sabi ko sa kanya.. Kinuha na niya yung bagpack niya at biglang itinapon ito sa'kin.
"Aba, loko ka ah.. 20 push ups.. Dali.." akala ko, susunod siya pero lumapit siya sa'kin at inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Ilang inch na lang, maghahalikan na kami.
"Sus.. Pumili ka, magpupush up ako pero hahalikan kita o hindi ako magpupush up, tapos wala kang mga halik.." Ngiting demonyo sabi niya.. arrrrgh!! Bwiset siya ha...
"Anong akala mo sa'kin, madadala mo ko ng ganyan, ha?! Pwes, hindi noh.. Dali na.!" Sabi ko ng naiirita.
"Pumili ka muna..." Sabi niya. Pwe! Bahala ka.
"Push ups!! Bilis!" Hinubad naman niya yung uniform niya at nagsimula ng mag-push ups. Nung natapos na siyang mag-push up, tumayo na ito at lumapit sa'kin.. Nakatingin lang siya ng diretso sa'king mga mata at inilipat niya ang mga tingin niya sa labi ko na ikinapa-lip bite niya kaya bigla akong kinabahan.. At ngayon, hinding hindi na ako papayag na kunin pa niya yung 2nd kiss ko...
"Wanna try again?" Ngiting tanong niya.
"Try your face!" At itinulak ko siya palayo...
"Hahahaha. asa ka namang gagawin ko yun. Swerte mo masyado.." At tuluyan siyang umalis sa harap ko. Gosh!! Nakakabwiset siya. EBER!
-
Nung nasa classroom na kami, buti na lang at hindi pa nagsimula ang klase. Umupo na ako sa bagong assign chair ko at iniligay ang bag ko at umupo na ng maayos.
"Hey. You look so bwiset today.." Sabi ni Queency habang umuupo ng maayos.
"Sino bang hindi mabwi-bwiset eh kung ang aga aga. binibwiset ka ng isang tao DIYAN na BWISET naman talaga yung mukha." Napatingin naman siya sa'kin at nginitian niya lang ako ng nakakaloka!
"Naku, ang ngiti niya talaga, pag-rapist.." Sabi ko ng inilipat ko yung tingin ko sa mga kaibigan ko.
"Ano ka ba, you look so hot.. Baka mamaya, umabot ka ng 45 degress celcius niyan." Sabi ni claire habang nagbabasa ng libro.
"Hindi lang 45, baka umabot pa ng 50 at mamatay pa ako kakatingin diyan..." Padabog kong kinuha ang bag ko at inilagay ito sa lap ko. May kinuha akong isang ballpen at notebook. Nung magsulat na ako, hindi gumagana yung ballpen ko kaya ng dahil sa inis at galit ko, itinapon ko ito.
"Aray!" Rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Napatingin naman ako kung saan nanggaling yung boses na yun... Nung iniangat ko na yung ulo ko, nakatitig siya sa'kin na para bang huhuyakin niya ako..