Chapter 1: New Student >_<

19 0 0
                                    

Haaaaay, pasukan na naman. >_<.. Kainis talaga.. pero ang mas kinaiinisan ko, ay yung sa kadahilanang pinalipat ako ng bagong school.. Kabadchrip! Okay lang sana kung same school pero hindi eh.. Haaaixt!

Pero by the way, binibwiset ko agad yung first part ko. I'm going to introduce myself first.. I'm Renee Dizon, isang 4th Year Highschool.. I'm a lovely girl, maputi, maganda syempre dahil yun ang lahi namin. Mahaba ang buhok, mahilig i-ponytail kung ginugusto at marami pang iba..

Gusto ko sanang ikwento sa inyo kung bakit ayokong lumipat dito sa bagong school ko pero wag na lang. Abangan niyo na lang yung next next chapter. Baka ilapag ko na yung rason kung bakit. Hehe.

"Anak, maghanda ka na. ihahatid ka ng kuya Jericho mo." Sabi ni mama habang nagloloto ng ulam ko ngayon at para na rin sa babaunin ko. Hindi kami masyadong mayaman at hindi rin kami masyadong poor. Parang 78% lang. May kotse kami dahil sa nanalo ang kuya ko ng lotto ng mahigit 500,000. Pero syempre, hindi lang niya binuhos ang 500,000 sa kotse. Downpayment lang ang ginastuhan niya tapos accessories. Kasi yung iba, para na daw sa mga needs namin like food, etc.  Si papa naman, isang businessman. Pero manager siya ngayon sa isang restaurant dito.. Si mama naman, wala lang kasi ayaw ni papa na magtrabaho si mama. tinuring na prinsesa ni papa si mama simula't sapul.. Kahit gustong gusto ni mama na magtrabaho, hindi talaga siya pinapayagan ni papa.. Haaay, sana ganun din ang boyfriend ko kung ganun. Pero ayoko namang pagbawalan niya ako sa pagtratrabaho. Hindi ko kakayanin ang kawalang hiyang boredom dito sa bahay. Ayokong lumaki o tumanda na nagtapos pero di ko man lang naranasan magtrabaho sa sariling course na kinuha ko. Kakatamad kaya maging housewife kung alam niyo lang.

So ayun na nga, nung natapos na si mama kakaluto sa ulam ko, kumain na ako at hinanda yung lunch ko. I'm a little bit excited kasi sabi ni papa, airconditioned daw yung room ko. Mala-sosyal yun eh. Pero hindi lang dun kasi dun rin nag-aaral ang bessy kong si Krissy.. Ewan ko lang kung maging kaklase ko siya. SANA LORD!

Nung lumabas na ako ng bahay, pinagbuksan ako ni kuya ng pintuan para makapasok na at umalis na kami.. Naaah, ang layo pa naman sa school. I think, kung public jeepney ang gagamiton from here to there, it would be 1 hour trip. Pero kung may sarili kang kotse, mga 30 minutes lang siguro. Much better na meron akong kapatid na lalaki kasi siya yung maghahatid plus sundo sa'kin. O diba? Hahaha

"Oh kaps, excited ka na ba?" Tanong sa'kin ni kuya habang palipat lipat yung tingin siya sa'kin at sa dinadaanan namin.

"A little bit." Sagot ko sa kanya habang hawak hawak yung dalawang kamay ko.

"Don't be nervous.. Okay lang yan. After 1 week, makakapag-move on ka na agad diyan sa bago mong school."

"Yeah yeah, I know.." At bumalik ulit yung tingin ko sa labas ng bintana...

Nung nkaarating na kami sa school, bumaba agad ako at kiniss si kuya sa cheeks. Daddy lang ang dating noh? Hahaha, pabayaan mo na.. XD

Pumasok na ako sa campus at hinanap agad yung faculty office...

Habang nagtitingin tingin ako, may isang taong nabangga ko.

"Sorry." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang." Nung tumingin ako sa kanya, myGHALLY, he's damn GWAPO GWAPO.. Nyaaah, ano ba to, kapapasok ko pa lang sa school nila, gwapo agad ang nakita ko.. Nag-smile lang siya sa'kin saka nagsimula na siyang maglakad.

Nung nakita ko na yung faculty office, pumasok na lang ako. Wala namang note na "Knock beofre you enter" kaya pumasok lang ako ng kusa.. Hehe.

"Hi ma'am. Where is Ms. Mantesigan?" Tanong ko dun sa isang teacher.

"she's there." At tinuro niya yung magandang binibini na nakaupo sa may sulok ng opisina.

"Thank you ma'am." Nag-bow naman ako at dumiretso dun sa teacher na tinuro niya.

A Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon