Chapter 7: My Saturday.

2 0 0
                                    

Inat here, ina there, exercise here, exercise there... Push up push up muna..

"Oh anak, pawis na pawis ka... Kakain na tayo.." Sabi ni mama ng makita niya ako galing sa kwarto ko.

"Kaya parating amoy lalaki ang kwarto eh." Sabi naman ng kapatid kong babae.. Si Ayane.

"Eh alangan namang mag-amoy babae... Ha!" Inirapan na lang niya ako at dumiretso sa sala at umupo sa sofa.

"Hoy kuya, ano, nag-sorry ka na dun sa babaeng sinaktan mo kahapon?" Tanong niya ng wala sa kalikasan.. XD

"Di pa.. Ewan ko kung kailan.."

"Naku, pag ako yung sinabihan nun, hindi ko lang sasampalin yung lalaki, tatadyakan ko pa." Tiningnan ko naman siya ng masa.

"Ganun ba ka-big deal sa inyo yun?" Pagtatakang tanong ko.

"Hindi big deal kung hindi ka nagsalita ng word na "salot".. Okay??" At tumayo siya. "Mag-sorry ka na dun. Baka mamaya, lumipat ng bagong school yun. Sayang, crush mo pa naman. Ang tanga mo talaga kuya kahit kailan.." At lumabas na siya.. Ganun?

Bumalik na lang ako sa kwarto habang kumakain ng coco crunch.. Hahaha. Yummy!

Umupo na lang ako sa kama ko at kinuha yung remote ng TV at ini-on ko ito. Inilipat ko ito sa disney channel. Wala, trip ko lang manood ng oggy and the cockroches.. hahaha..

"Oy anak, may bisita ka." Sabi ni mama ng pumasok sa kwarto ko.

"Sino daw ma?" Tanong ko.

"Yung mga kabarkada mo. Sila Alvin.." Tumayo na ako at isinuot ang aking pambahay na tsinelas at bumaba na. Nadatnan ko silang nakaupo sa sala habang nanonood ng TV with my sister.

"Oh ano bro, anong kailangan niyo at napapunta kayo dito ng ganito ka aga." Alas nuwebe pa lang oh....

"May ano kasi, modelling. Baka gusto mong sumali.." Sabi ni Alvin habang nilalaro yung unan ng sofa namin.

"Diba gusto mong mag-model? Ito na yun oh.. Pero nasa school ka.." Sabi ni Amiere habang titig na titig sa'kin.

"Kailan naman daw magsisimula?" Tanong ko sa kanila.

"Ngayong 10.." Matipid na sagot ni Maico.

"Kaya kuya, punta ka na dun. Dali an mo para naman may kaibigan na kaming model.. Diba?" Sabi ni Conan habang kumikislap kislap ang mga mata. isip bata talaga oh.

"Oo na. Maliligo muna ako saka kakain at alis na tayo.."

"At humingi ng tawad sa crush mo.." Sabi ni Ayane habang nginunguya ang isang pirasong pizza. tsk.

Dumiretso na ako sa kwarto at naligo para naman makapag-prepare. Yes! Ito yun oh!

Renee's POV

Yes! Yes! Yes!

"maaaaaaaaaaaaaaaaa." Sigaw ko ng mabalitaan kong may modelling sa school.

"Ano anak? May ahas ba? May sunod? Ano?" Pansin ko namang may dala siyang walis tingting at oxygen.. Hahahaha

"Ano ka ba ma. Wala.... May modelling sa school." Tumalon talon ako na para bang nanalo ng lotto..

"Oh tapos?" Pagtatakang tanong ni mama.

"Eh di sasali ako.. Yehey!!!" Dumiretso na ako sa CR para maligo dahil ngayon 10 na magsisimula yung audition.. Yahooo!!!!!!!

Nung natapos na ako lahat lahat, nagpahatid na ako kay kuya Jericho at dumiretso ng school.

Pagkadating na pagkadating ko dun, nakita ko agad ang ukmol kong kaaway. Sino pa ba eh di si Clara boy version!

Inirapan ko lang siya at dumiretso na lang ako papuntang booth ng palistahan sa maga-audition... Yes...! Excited much.. :)

Nung inilista ko na yung pangalan ko, dumiretso na ako sa isang kwarto kung saan, dun nagi-stay yung mga nag-audition. Naramdaman ko namng may tumabi sa'kin pero ng dahil sa sabik na sabik akong makita kung sino yung magtra-train sa'min, hindi ko siya pinansin..

Nung dumating na yung trainor namin, umayos na kami.. Tapos maya maya pinaupo niya  kami. Ini-explain niya kung ano muna ang gagawin namin. At kung magawa to namin with no mistakes, kuha na kami.. Yez!

"Okay. By partner muna tayo.. At yung katabi niyo, siya yung partner niyo. Okay." Tiningnan ko naman kung sino yung kapartner ko. At kulang na lang, sumabag ako dito ng makita ko siya.

"IKAW!" Sabay naming sabi nang makita ang isa't isa. Napansin naman naming napatingin silang lahat sa'min.

"What's going on there?' Sabi ng trainor.

"Wala pa ma'am. Wala po." At bumalik na kami sa pagkakaupo..

"Ahm ma'am, pwede po bang magpalit ng partner?" Tanong ko sa trainor namin.

"Di na pwede.. Yan na talaga.. Sige na at wag ng maarte." Pahiya naman ititch! Tsk. Bakit siya pa?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

kyu_hyunIer's  note: Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Magka-developan kaya sila dito o may matatanggal na ikakainis ng isa? Hmmmp!

A Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon