"Hawakan mo na siya. Dali na." sabi nung trainor habang pinipilit niya si Vince na hawakan ako. Kumati muna ito ng ulo bago dahan dahan niya akong hinawakan sa kamay..
"Ang arte!" Sabi niya at inirapan na niya kaming dalawa... At nagsimula na ang aming photoshoot.
Nga pala,isa kami sa mga nakuha na magpartner. And alam niyo ba, kami ang magiging magpartner sa huli. Kahit anong partnership na gagawin namin, kailangan parati kaming nasa isa't isa.. tsk. Oo na, tanggap ko na. May magagawa pa ba ako? Diba wala...
"Ayan, good, pose." Pabalik balik ng sabi nung photographer sa'min.. Halata namang nag-eenjoy sila pag kami ang nasa floor kaso nga lang, may pagka-maarte kami.. Hahaha.
"Good. Oh ayan, oh Renee, ilagay mo ang kamay mo sa part ng abs niya.." Tiningnan ko naman ang baklang photographer ng umaayos-ka-bakla-dahil-baka-maging-isda-ka-ng-wala-sa-oras look..
"Sige na. Arte! Gusto naman.. Dali na!" No choice ako kundi gawin yun. Napangiti naman si Vince pero kaagad niya itong binawi at tumingin ng seryoso sa camera.
"Good! Sige, break muna.." Thank GOD!
Kinuha ko lang muna ang aking bottle mineral water.. Ano ba yan, WALA NA? Nauuhaw na ako...
Palinga linga ako para tingnan kung sino pa yung may tubig. Baka lang kasi may bumigay...
"Oh ayan!" Nabigla naman ako nung bigla niyang itinapon sa'kin ang isang natures spring na tubig.
"S-salamat.." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Naramdaman ko namang lumapit siya sa'kin.
"May bayad yun." Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Mamaya, after ng photo shoot, samahan mo kong mag-dinner.." At tuluyan na siyang umalis. Kumag talaga! Haaiiixt!!! Dinner ba mukha mo? Naku!!!!!! >_<
Nung bumalik na kami sa floor, nagsimula na kaming mag-photo shoot. Ewan ko ba pero ang saya ko? Hahaha. Di ko maexplain teh..
"Very good. Ang saya talaga ng photo shoot pag kayong dalawa lalong lalo na ikaw Vince." At kininditan ni bakla si Vince. DUH! Tindog balahibo yun ah.
"Nice one handsome." Lumapit siya kay Vince at hinalikan niya ito sa pisngi. Napa-irap na lang ako at umupo sa isang gilid. Bwiset yun ah.. Haay naku, di ko alam kung bakit naapektuhan ako sa tuwing na lumalapit yung babae dun sa kumag na yun..
"Date tayo?" Rinig kong imbita ng babae kay Vince.
"Meron na ako. Yun oh." Sabay turo niya sa'kin...
"Sige na. May libre ka pa mamaya sa'kin sa gabi.." GOSH! Tama bang pag-usapan at sabihin yun?! How desperate girl she is! Napansin ko namang lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya bigla at nabasa ko ang sinasabi niya.
TUMAYO KA DIYAN! Yun ang movement ng lips niya. Tumayo naman ako at bigla niya akong inagbayan.
"Wag mo ng sasabihin ulit yun. May girlfriend na ako oh.." Sabi ni Vince at pa-smack akong hinalikan sa cheeks. "Right babe?" Inirapan ko na lang siya at naglakad ako palayo.
"Sus. Binola mo pa ako. Balita ko nga, magkaaway kayo eh." Yun ang huling salitang narinig ko dun sa babaeng yun. Nilingon ko ito at nakita ko silang, gosh! PDA! Arrrrrgggghhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!
Dumiretso na ako sa locker room at kinuha ko yung damit at shorts ko at diretsong pumasok sa comfort room para magbihis...
"Ang sarap talaga ng halik niya." Rinig kong harorot ng babae.
"Sino? Yung model student?" Tanong nung babae sa isa.
"Oo. Yun.." Teka, familiar yung boses niya ah..
"Diba may girlfriend na siya?" Pagtatakang tanong nito.
"Wala pa. Joke lang niya yun kanina. Actually, kaaway niya yung babaeng yun. Feeling ko nga, may gusto si Vince dun sa modelling-partner niya eh.."
"Eh di kung ganun, wala ka ng magagawa."
"DUH! Kaya kong talbugan yun noh. At isa pa, wala namang gusto yung babae kay Vince dahil alam mo na, magkagalitan sila." HUH! Akala mo lang yun!
"Sus. Di mo lang alam ateh.." Matipid nitong sabi.
"Ano ka ba, DUH! Magse-sex kami mamaya. Excited na kayo ako... Tara na nga at bibili pa ako ng bikini." WHAAAAAAAAAAT?! As in yung 3 letters? YUUUUUUUUUUUUUCKK! Arrgh!
Lumabas na ako ng comfort room at saktong saktong lumabas siya sa male section ng CR. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad.
"Hoy!" Tawag niya sa'kin. Huminto naman ako sa paglalakad saka nilingon ko siya.
"May pangalan ako kaya wag mo kong i-hoy! Gets?" At nagsimula na akong maglakad.
"Tsk. Oh, Caryl! Happy?" Huminto na naman ako at nilingon ko siya.
"Happy your face.." Nagsimula na naman akong maglakad.
"Wait (stop) Wag mo pala akong sundan. Samahan mo yung babae mo. Diba magse-sex kayo? So total, sa kanya ka na lang sumabay mag-dinner.. Babayaran na lang kita sa tubig na ibinigay mo kanina. Diba tag 35 pesos lang naman yun? Oh ayan (sabay abot sa kanya ng dalawang pirasong bente) Keep the change na lang. Bye" Nagsimula ulit akong maglakad. Naiinis lang talaga ako sa kanya..
Habang naglalakad ako sa hallway, bigla na lang may humila ng braso ko kaya naman napalingon agad ako at bigla niya akong hinalikan sa labi.. Napalaki na lang ang mga mata ko at kaagad ko siyang itinulak..
"Bastos!" Sabi ko habang pinalo ko sa kanya yung sling bag ko.
"Teka nga, (sabay hawak ulit sa braso ko) yung totoo, nagseselos ka ba?"
"Ako? Nagseselos? Dream on Vince.. Baka yun oh (sabay turo dun sa babaeng ikakama niya mamaya) tingnan mo, mukhang sasabog na yan sa galit ng dahil sa ginawa mo." Nilagpasan ko naman siya. Enough na to para makita ako ng babae niya.
"Don't worry. Sayo pa naman siya eh. Hanggang kiss niya lang ako. Hindi tulad sayo, sa kama pa dating niyo.." Bitter? Maldita? Bastos? Saan ako dun?\
"Oh ayan, puntahan mo yung mahal mo.. Shupe."
"Hindi siya ang mahal ko. Ikaw Caryl.." Napahinto naman ako at nilingon siya.
"Yaa.. Hahahaha. Funny Vince. Funny! Graabe, I like your joke... Really.." Tapos lumapit sa kanya at tinulak siya ng mahina.. "Ano ka ba, di mo na kailangan sabihin yung mga yun, ramdam ko naman eh."
"Talaga?" Ngiting sabi niya.
"Oo. Mahal naman ngayon yung bigas, kuryente, tubig tuition fee at iba pa.. Diba? so okay, bye." At tuluyan na akong umalis dun.... My ghad!! Halos di kayanin ng powers ko dun..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~