Pagkagising ko ng umaga, chineck ko agad ang phone ko to see if may text galing sa kanya.. At hinding hindi ako nagkakamali.
2 messages received
From: Vince
"Pssst. Good Morning babes.. Gising na..." - Unang message niya
"Oy babes.. May modelling tayo mamaya daw. Kaya bring your own suit... Okay? I love you.." nah, what a stupid boyfriend he is.
Nung matapos na ang lahat lahat, umalis agad ako sa bahay dahil excited akong pumasok. Una, kami na. Pangalawa, may modelling.. Oh diba, ang saya.
Nung nakarating na ako sa school, lumakad agad ako papuntang classroom. Sana andun na siya para may kausap ako...
"Oy Renee. Hi.. Good Morning.." Biglang sulpot niya sa'kin.
"Good Morning Javier.." Walang ganang sagot ko.
"Uhm, papunta ka na ba sa classroom? Sabay na tayo." Nag-nod na lang ako at sabay kaming umakyat pataas.
Nung nakarating na kami sa taas, wala si Vince dun. Teka, nasan na ba yung lalaking yun? Tinext ko naman agad siya pero hindi siya nagrereply.. Tinawagan ko rin ang phone niya pero hindi siya sumasagot.. Ano ba yan!! >_<
Sumapit na ang alas nuwebe ng umaga, hindi pa rin siya dumating.
"Ms. Dizon, pinapatawag ka na po ng model-trainor niyo." Sabi nung isang member sa student council.
"Oh sige. Pupunta na lang ako.." Sinirhan naman niya agad ang pinto ng classroom at tumayo na ako. Nagpaalam na rin ako sa sub-teacher namin bago ako lumabas.
Naglakad na ako papuntang locker room at kinuha ang ibang gamit ko doon at inilagay ang t-shirt na gusto kong ibigay sa kanya..
"Ms. Dizon." Batid sa'kin ng trainor namin ng makita niya ako.. Nag-smile lang ako sa kanya saka lumapit.
"Yes ma'am?"
"Kayo ang unang magpre-present ni Mr. Calvez. Okay?" Nag-nod na lang ako at hinanap yung pesteng boyfriend ko...
Hinanap ko na siya sa buong campus pero di ko siya makita. Hinanap ko na rin siya sa male section ng CR at sa locker rooms pero wala din siya doon... Tinawagan ko yung phone niya pero walang may sumasagot... >_<
Habang hinahanap ko siya, may nakita akong dalawang anino kaya dahan dahan ko itong tiningnan.. Natuwa naman ako sa nakita ko, grabe. Isang araw pa lang kami, may kahalikan na siya.
"Hmmm. Sarap." Sabi ng babae habang hinahalikan siya ni Vince sa labi.'
"Talaga?" Ngiting tanong nito.
"Sobra." At naghalikan ulit sila... Hindi ko na kinaya at umalis na lang ako dun at tumakbo palabas sa lugar na iyon.. Bumalik ulit ako sa locker room para kunin yung gamit ko pero hindi ko na pa kayang bumalik papunta sa room namin kaya umiyak na lang ako ng umiyak dito sa locker room....
"Miss?" Boses lalaki kaya tiningnan ko kung sino ito.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya ng hindi ko siya makita ng klaro dahil sa luha ko.
"Renee? si Javier to." Lumapit naman siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"What's wrong?" Tanong niya. Nagsimula na naman akong umiyak.
'
"Shhhh. Tahan na.. Ano ba ang problema? Share it to me..." Huminto na alng ako sa pag-iyak at kunwaring ngumiti. Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.
"Ano ka ba. Wala.. Nagpra-practice lang ako para sa audition.." Ngumiti ako ng pilit. Nakita ko naman siyang napakunot noo.
"Audition? Para saan?"
"Para sa PBB... Diba may audition ngayon? I mean, diba magbubukas ulit yung bahay ni kuya?" Tumango naman ito at ngumiti.
"Ewan ko sayo. Bolera ka talaga... Alam ko namang hindi yun ang dahilan eh pero sige, maniniwala na lang ako.." Tumayo naman siya at iniabot ang kamay niya.
"Tara na?" Nginitian ko muna siya bago niya hawakan ang kamay ko... Nung tumayo na ako, napatingin ako sa isang side kung saan may tumawag ng pangalan ko.
"Renee?" Sabay tingin namin sa kanya.. Lumapit naman agad siya at bigla niyang sinuntok si Javier.
"TAMA NA!!" Sigaw ko habang pinipigilan ko siya... Nilapitan ko naman si Javier dahil puno ng dugo yung labi niya.
"Vince ano ba! Wala siyang may ginawang mali sayo!"
"Walang ginawang mali?! Eh ano yung nakita kong magkahawak kamay kayo, ha?! Sa tingin mo matutuwa ako?! Ganun ba ang gusto mo?!" Lumapit naman ako sa kanya at sinampal ko siya.
"Eh ako, matutuwa ba ako kanina nung nakita kitang nakikipaghalikan ka sa ibang babae, ha?!" Napalaki naman siya ng mata at pilit niyang hinahawakan ang kamay ko pero iniiwas ko ito..
"Isang araw palang tayo pero niloloko mo na ako!" Hinawakan ko naman si Javier at tinulungan ko siyang tumayo.
"Babes, let me explain. Please.." Hindi ko siya pinansin but instead, tinulungan ko si Javier at hinawakan ko yung isang kamay niya.
"Tara na.." Sabi ko kay JAvier ng makaayos ito ng tayo..
"Renee, please listen to...."
"Tama na Vince. Pwede bang wag muna ngayon?" Tinalikuran ko na siya at nagsimula na kaming maglakad palayo.
-
Nung nasa clinic na kami, okay na yung sugat niya..
"Salamat." Ngiting sabi niya.. Ngumiti lang ako sa kanya saka lumapit.
"Ano ka ba. Walang anuman.. Sorry nga pala sa nangyari ha.. Napaka-sensitibo kasi ng lalaking yun eh.."
"Okay lang, naiintindihan ko naman siya eh. Pero totoo ba yung narinig ko kanina? Na may kahalikan siya?" Tinalikuran ko lang siya bago ko siya sinagot.
"Oo, totoo yun... At yung babaeng yun, yun yung kaaway ko sa modelling dito.." Umupo muna ako sa isang upuan at tumabi siya sa'kin. HInawakan niya yung kamay ko at tuingin sa'kin ng diretso.
"Pag-niloko ka niya, andito lang ako ha." Nginitian ko lang siya at umalis na kami doon..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
kyu_hyunIer's note: Ano na kaya ang mangyayari sa kanila? Maghihiwalay ba sila o patuloy pa rin pero may hahadlang? See u on next update mga kyu_hyunIer's. ILABU . XD.