Chapter 10: Whatta day it is!

6 0 0
                                    

Pagkagising ko ng umaga, syempre, first thing to do. Inat muna.

Tumayo na ako at dumiretso ng CR para magtoothbrush.. Kinuha ko naman yung towel ko saka naghilamos..

Pagkatapos, bumalik ako sa kama ko para iligpit ito at lumabas na ng kwarto.

"Good Morning ma." Bati ko kay mama.

"Blooming ata anak? Anong meron?" Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"alangan mama. Ano bang gusto mong ipakita ko sa umaga? Nagaalburuto?"

"Hindi.."

"Eh yun naman pala eh.... Haay naku ma."

"Oh, kumain ka na." - mama

"Teka, nasan si papa?" Palinga linga naman ako. Baka sakaling makita ko siya.

"andun sa pool. Kausap yung manliligaw mo.." Sabi ni mama habang inaayos ng gamit.

"Funny ma. FUNNY!." At dumiretso na ako sa kusina. Narinig ko namang tumawa si mama.

"Sige. Kung ayaw mong maniwala.."  Binaliwala ko lang ang sinabi ni mama...

Nung binuksan ko yung  nakatakip na pagkain sa mesa, napa-wow naman ako...

"STEAK!" Sigaw ko nang makita ko ito.. Kaagad naman akong kumuha ng eating utensils at isa isa itong inilagay sa plato ko.

"Hmmmm. YUMMY!" Sabay nguya sa isang pirasong karne.....

Habang kumakain ako, dumating si papa.. May dalang apple.

"Oh pa, ilagay muu lang yan diyan.." Ano ba yan! Di ako makapagsalita ng maayos! Hahahaha

"Oh anak, dala pala ng manliligaw mo." Nag-smile lang ako sa kanya. Bakit ba puro manliligaw ang bukang bibig ng parents ko? Tsk. Tapos kung may manliligaw na, bubuhusan naman nila ng tubig..  Oh diba, brutal? XD

Bigla ko naman itong naibuga ng makita ko ang pagmumukha niya nang umupo siya sa harapan ko.

"Oh.. Dahan dahan.. Ito, tubig oh." Sabay abot niya sa'kin ng isang basong tubig. Nung lumuwag luwag na ito, huminga muna ako ng malalim at kinislap kislap ang aking mga mata para makasiguro kung siya nga mismo ang nakikita ko.

"Gwapo diba?" At kinindatan niya ako..

"T-teka, a-anong ginagawa mo dito?" Tumingin tingin naman siya na para bang chinicheck yung bahay namin.

"Okay naman pala bahay niyo eh. Di kayo mahirap, hindi rin kayo mayaman. Sakto lang." Tapos ngumiti siya. "Pero ang mas ikanakatuwa ko, ang takaw mong kumain.. Rinig ko pa nga yung sigaw mo kanina ng steak eh.."At ngumiti siya ng malapad sa'kin. "Don't worry, pagmagkasama tayo, ipagluluto kita ng steak." Napataas naman ang kilay ko.

"At bakit? Sa tingin mo ba, magiging magkasama tayo?" Tumango tango naman ito na parang bata at inilapit niya yung ulo niya na para bang may ibubulong.

"Syempre, pagmaging magasawa na tayo. Tapos gagawa na tayo ng baby.." Tapos ibinaba-taas niya yung dalawang kilay niya with matching smile pa. Sinampal ko naman siya ng mahina  sa mukha.

"Kapal!" Sabi ko at ipinagpatuloy yung pagkain.

"Bilisan mo Ms. Matakaw ng Steak dahil papasok na tayo.." Tumayo naman siya at iniayos niya yung upuang ginamit niya at pumunta ng sala. Aba aba, ano to? Bashtushan?

Nung matapos na akong kumain, huhugasan ko na sana ito ng pigilan ako ni mama.

"Magbihis ka na at papasok pa kayo ni Mr. Manliligaw mo.. Mahiya ka nga. Pinaghihintay mo yung tao eh. Kaya shupe!" Napataas naman ang kilay ko kay mama. Ano ba yan, matutuwa ba ako o maiinis? Hahaha. ADIK!

A Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon