Chapter 6

16 0 0
                                    

ZACK POV 😎

Nasa bahay na ako ni Janine , pag pasok ko ,nadatnan ko si janine at shanniex na kumakain ..

Gusto kong tumakbo papunta kay shanniex para yakapin at halikan siya pero nag pigil ako dahil sa laki nang atraso ko nahihiya akong lapitan siya ..

Hi girls.. agaw pansin ko sa kanila

Sabai lumingon si janine at shanniex sakin ..

Ngumit ako kay janine at tumango lang cxa . Nang tumingin ako kay shanniex nabigla ako dahil ngumiti siya, ngiti na walang halong tampo o ano. ..

Mas nabigla ako nang tumayo siya at tumakbo papunta sakin tapos niyakap ako ..

Nakaka bakla man pero naiiyak ako nang niyakap ako nang GF ko ..

i missed you so much hon . malambing na sabi sakin ni shanniex

Di ko siya.sinagot bagkus hinalikan ko pisngi at noo niya ..

aharm aharm! mag lambingan talaga sa harapan ko?? naka ngiting wika ni janine

Umirap lang si.shanniex kay janine . Napatawa nlang ako sa ginawa ni shanniex .

Jan, hiramin ko muna kaibigan mo ah. Ayos lang ba??? pag paalam ko kay jan .

nako nako zack! sayong sayo na yang bruhildang yan, ayos lang kahit wag muna ibalik .. hahahaha

Sama mo impakatita ka ah! ipamigay ba ako .. hahaha salbahing kaibigan to .. natatawang sagot ni shanniex .

Masya akong makita na naka ngiti si shanniex , masaya ako dahil sa kabila nang pag kukulang ko di parin niya ipinagkakait ang ngiti niya .. .

Umalis na nga kayo! shoo shoo shoo .. Pang tataboy ni janine samin, nailing nlang ako sa ginawa ni jan samin ..

Biglang hinawakan ni shanniex kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya ..

Lets go hon 😊.! pag yaya ni shan sakin.

Nag paalam na kami kay janine .. Hawak kamay kaming umalis sa bahay ni jan .. Parang dati lang ..

Sumakay kami sa dala kong sasakyan .. Nong una wlang nag salita samin habang binababay namin daan ..

Hon. tawag ko sa kanya .

Lumingon siya sakin pero si siya sumagot .. Saka ko lang naramdaman na may problema nga kami..

Hon, im sorry alam kong malaki na pagkukulang ko sayo . panimula ko pero bigla niya pinigilan ang mga saaabihin ko ..

Lets not talk about it hon! E enjoy muna natin tong araw na to please..

tumango ako pero di ko maiwasan na mag tanong sa kanya ..

Okey pa naman tayo diba hon? please say yes hon, di ko kaya mawala ka sakin ..

Hinawakan ni shan kamay ko.

Mahal kita hon,at handa akong intindihin ka!! iintindihin kita ..

Nawala lahat nang pag aalinlangan at takot sa puso ko dahil sa sinabi ni shann sakin.

Hinalikan ko kamay ni shan at pinisil .. nakita ko siyang ngumiti kaya napa ngiti na din ako ..

Dinala ko si shan sa isang lugar na alam kong magugustohan niya ..

Sa dagat..

Babawi ako sa kanya kahit ngayong araw lang..  Babawi ako sa lahat nang pag kukulang ko ..

Dumating kami sa lugar na gustong gusto ni shan ..  Tamang tama dahil di masyado maraming tao ..

Kumuha ako nang isang private cottage .. Nag order na din ako nang makakain namin ..

Lumapit ako kay shan habang nka upo siya may buhangin ..

Masaya kaba dito?? napalingon siya sakin ..

masaya ako kahit saan basta kasama kita! alam mo yan diba??

bumalik ang tingin niya sa dagat .. Kahit anong pilit kong iwala sa isipan ko pero alam ko may pagitan na samin ni shan ..

Tumabi ako kay shan , ipinatong niya ulo niya sa balikat ko ..

hinalikan ko noo niya at hinimas himas ko ang kanyan buhok..

Di ko alam kong makakaya ko kong mawala ka sakin Shan ..

Di ako papayag na mawala ka sakin.

i love you hon.

tumingin siya sakin tapos ngumiti ..

i love you more hon .. tapos hinalikan niya ako sa labi .. dampi lang pero don ko na prove ang lungkot at tampo niya sakin ..

binalik niya ulo niya sa balikat ko ..

Pano napunta sa ganito ang lahat??
Babawi ako hon, babawi ako .. Pangako ..

You're VoicEWhere stories live. Discover now