Chapter 7

3.9K 99 1
                                    

Yuri PoV

Mabagal at mahinang paglakad ang ginagawa ko ngayon. Hindi ko nakita ang oras kanina 7 pm na pala. Lagot ako kay Mama nito.

Pagkapihit ko ng door knob namin ay nagulat ako dahil nandoon si Mama.

"Ma!"gulat na sabi ko.

Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Mama.

"Ma hindi mo ba ako papagalitan?"Mahinang sabi ko.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo."

"Ma, may nangyari po bang masama nung wala ako?"tanong ko.

"W-wala naman anak, sige na magpahinga ka na.."sabi sa akin ni Mama. Wala na akong nagawa kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko.

Nakakapagtaka lang bakit hindi ako pinagalitan ni Mama?

Balit hindi niya ako sinermonan?

Bakit hindi niya ako tinanong kung saan ako nang galing?

"Hay! Ano ba Yuri pasalamat ka na nga at hindi ka pinagalitan."

Pero bakit nga ba?

Makagawa na ngalang ng assignment.

Tumayo ako at kinuha ang aking backpack. Saka ko inilabas lahat ng mga notebook at libro na gagamitin ko.

Pagkatapos kong sagutan lahat ay nahiga na ako.

*******

Savannah PoV

"Hoy babae! gumising ka na dyan papasok ka pa"

Hmmm...5 minutes.

"Hoy babae!"

"Hoy babae hindi ka ba gigising dyan. Gusto mo bang bigyan pa kita ng palaka dyan."

Palaka?

"Eto na gising na."sabay bangon ko.

Palaka? Eww kadiri.Nai-imagine ko palang ang mukha ng palaka na iyon nandidiri na ako.

"Iyon lang pala ang magpapabangon sa iyo, maligo kana kanina ka pa hinihintay nila Mom sa baba.."sabi ng magaling kong kuya. Oo tama kayo ng dinig may Kuya ako. Siya si Ethan James Smith, ang napakasungit kong kuya pero protective. Isa siya sa mga Black Knights.

Naligo na ako at agad na nagbihis kanina pa daw ako iniintay nila Mommy. Bakit kasi hindi tumunog yung alarm ko?!

"Goodmorning Sweety" bati sa akin ni Mommy pagkalapit ko.

"Goodmoring Mom ,Dad "bati ko. Tumingin naman ako kay Kuya and then I rolled my eyes to him. Bahala siya dyan sinira niya ang umaga ko.

"Tss..." tis tisin ko mukha mo dyan e. Kung suplado sya aba mas suplada ako sa kanya.

"How's your school sweety? Wala ka bang nabully ngayon don, Hindi ka ba na guidance? "tanong sa akin ni Mommy.

"Mom!"

"Pfft" napatingin naman ako ng masama kay Kuya.

"Actually Mom, wala, meron kasi syang bagong kaibigan"sabi ng epal kong kuya.

"It's that true Sweety?" tumago naman ako. "I want to meet her tuloy.. next month....invite mo sya sa birthday ko ha" I smiled.

"I will Mom and Im sure na magugustuhan nyo sya."nakangiting sabi ko.

*****
Yuri PoV

"Ano?!"gulat na sabi ko.

"My Mom told me na gusto ka niyang makita, at sa next month daw punta ka daw sa party. Dont worry nandoon din ako. Kasama mo ako."sabi ni Sav.

Hala! marami pa akong aasikasuhin paano yan?Kailangan ko pang maghanap ng trabaho para makatulong ako kay Mama.

"Ah Eh-"

"No! Kailangan mong pumunta, paghindi ka pumunta.....magtatampo ako sa iyo" malungkot na sabi niya.

"Hindi rin ako papasok, paghindi ako pumasok babagsak ako."Hala! kinokonsenya ba ako nito? Anong gagawin ko?

Sige na nga next month pa naman.

"Sige na Sige...pero ano ang isusuot ko?"tanong ko. Wala naman akong magandang damit puro t-shirt lang at pantalon ang sinusuot ko pag umaalis kami.

"Dont worry Yuri, akong bahala."sabi niya

"Kita nalang tayo mamaya~" sabi niya at umalis na. Oo nga pala hindi kami mag kaklase sa isang subject.

Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala naman. Hala! hindi kaya may multo na rito? Wag naman sana.

"Huhuhu kung sino ka mang multo ka na hindi matahimik ang kaluluwa. Wag sana ako ang multuhin mo wala akong ginagawang masama saiyo kaya sana sumalangit nawa na ang iyong kaluluwa.."sabi ko saka napa pikit ng madiin.

"HAHAHAHAHAHAHA"

"Hala! May multo bang tumatawa?''tanong ko sa sarili ko.

"HAHAHAHAHAHA"this time yung boses ng tumatawang multong lalaki ay parang papalapit ng papalapit sa akin.

"Huhuhu wag nyo po akong sasaktan"sabi ko habang nakatalikod padin.

Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"AHHHHHH--HMM-MMM"Tinakpan ng multo yung bibig ko. Diba ang multo ay hindi na nahahawakan?pero bakit siya nahahawakan nya ako.

Wag mong sabihing......PATAY NA RIN AKO?

NO WAY BAWAL PA AKONG MAMATAY KAILANGAN KO PANG TULUNGAN ANG MAMA KO!

"Shhhh, wag kang maingay. Hindi ako multo pfft"

Teka parang kilala ko ang boses na yon ah.

Si Draze tama si Draze.

"HMMM"hindi pa din ako makapagsalita dahil nakatakip padin ang kamay niya sa bibig ko.

"Sorry"sabi niya at tinanggal na ang kamay niya sa bibig ko.

"Ang baho tuloy ng kamay ko"sabi niya.

Aba ang bango kaya ng laway ko.

"Hoy! sino ba naman kasi ang may sabi sa iyo na takpan mo ang bibig ko.?"nakapamewang na sabi ko sa kanya.

"Ang lakas kaya ng boses mo. Kasalanan ko bang mag imagine ka ng multo Hahaha"natatawang sabi niya

"Ang lawak pala ng imagination mo hahahha"sabi niya habang naglalakad.

"H-hoy saan ka pupunta?"tanong ko.

"Sa room malamang papasok"sagot niya.

"Pumasok ka na baka mamaya magkatotoo pa ang na imagine mo Hahaha"

"H-hoy Intayin mo ako"malakas na sabi ko sa kanya at tumakbo na

Pagpasok ko sa room ay hingal na hingal ako. Bwiset na Draze yun pagkatapos akong takutin iiwan nalang ako basta basta?

Hinihingal na pumasok ako sa room. Buti nalang wala pang prof.

"Nakakapagod palang tumakbo" sabi ko habang nagpupunas ng pawis.

"Sino ba naman kasi ang may sabi na hindi nakakapagod ang tumakbo?" pilosopong tanong sa akin ni Vince.

"Tumahimik ka hindi kita kinakausap"sabi ko.

"Sungit mo naman meron ka ba?"tanong niya sa akin.

"Paano mo nala-"Omy gosh bakit ko sinabi yon. Napatingin naman ako sa kanya dahil namumula siya. May sakit ba siya.

"Uy? Okay ka lang bakit ka namumula?"alalang tanong ko.

"W-wala lang to"utal na sabi niya sa akin.

"May sakit ka yata e"sabi ko.

"Wala. Natural 'to"sabi niya.Tumayo naman siya.

"Pumunta ka sa clinic ah, Baka lumalala yang sakit mo"sigaw ko.

Ano kayang sakit niya? Sana naman gumaling siya.

Ang weird talaga ng mga lalaki.

********************************

Written by: ChaoticallyNami

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon